Chapter 3
Chapter 3
“HOLLY,”
Nahinto sa tangkang pagpasok sa gate ng bahay niya si Holly nang marinig ang pagtawag na iyon sa
kanya ni Aleron. Nilingon niya ang binata. Nakasandal ito sa pinto ng kotse nito habang ang mga
kamay naman ay nakapaloob sa bulsa ng leather jacket nito. Nahigit niya ang hininga. Mukha itong
modelo na para bang kalalabas lang mula sa magazine.
Nakasuot si Aleron ng maong na pantalon, gray V-neck shirt at leather jacket na pinarisan nito ng itim
ring leather shoes. Umpisa pa lang ay alangan na ang itsura nito para sa lugar na kinainan nila pero
wala itong reklamo. Nang makarating sila sa fast food restaurant ay agad na nakuha ng binata ang
atensyon ng mga kumakain roon lalo na ng mga kababaihan. Mahaba ang pila sa pag-order pero hindi
ito naringgan ni Holly ng anuman. Mukha rin itong naliligaw na prinsipe habang kumakain kasama siya
kani-kanina lang. He ate with so much elegance like he came from a royal family.
Si Aleron ang uri ng lalaki na sigurado si Holly na makakasundo ni Hailey at ng kanyang ina sa
ganoong aspeto. Hindi siya mapapahiya kapag kasama ito. Pero nag-aalala siyang baka ito ang
mapahiya kapag kasama siya.
“Hmm?” Tanging nasabi ni Holly. Palabiro siyang tao at may pagkamadaldal. Parati siyang mayroong
nasasabi kahit na nga ba kakikilala niya pa lang sa isang tao. Ugali niya na iyon na siyang namana
niya mula sa kanyang ina. Pero simula nang selyuhan ng mga labi ni Aleron ang kanyang mga labi ay
hindi niya na nakuhang makapagsalita. She was still too dazed to speak.
“I was never sorry about the kiss, Holly. I was just sorry that it scared you, that it happened this soon.
Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. At kung kaya ko lang balikan iyong nangyari kanina, gano’n pa rin
ang gagawin ko. Because you really looked incredibly adorable back there, back at the Jabee.”
Bahagya pang napangiti si Aleron. “Hindi ka na nagsalita pagkatapos ng nangyari kanina kaya nag-
aalala ako. I’m so sorry I spoiled the moment.”
“You didn’t.” Ani Holly nang sa wakas ay matagpuan ang boses.
“Really?” Nangislap ang mga mata ng binata. “Hindi ka na ba natatakot sa akin?”
“Actually, natatakot pa rin ako sa ’yo.”
Naglaho ang ngiti ni Aleron.
“Ang dami kong pangarap na lahat sa isang iglap, sinira mo. My dream was to be kissed by someone
I’m sure about. Isang lalaki na sigurado ako na single pa rin, na sigurado ako sa tunay na identity.”
Totoo sa loob na dagdag ni Holly. “You stole my first kiss, you thief! And it’s scary because… it felt right
regardless of all the uncertainties.”
Matagal na pinangarap ni Holly ang mangyayari sa una niyang halik. Gusto niya ay iisang tao lang ang
magiging una at huling halik niya. Iyon na ang magiging unang nobyo niya at siya na ring
mapapangasawa niya. Kaso ay iba ang nangyari. All because of the sauce. Pero malaki ang
pagpapasalamat niya sa sauce na iyon. Kung hindi dahil sa pagiging makalat niyang kumain, siguro
hanggang ngayon ay nagtatanong pa rin siya sa sarili kung ano ang pakiramdam ng unang halik. She
would have missed that wonderful feeling.
“I’m your first kiss?” Nagsalubong ang mga kilay ni Aleron na para bang hindi katanggap-tanggap para
rito ang mga sinabi ni Holly.
Tumango si Holly. “Bakit parang hirap na hirap kang paniwalaan?” Bahagya siyang napangiti. “It
happens. Hopeless romantic fools do exist, Aleron.”
HOW CAN this woman lie without blinking an eye? Bakit ba pagsusulat ang ginawang propesyon ni
Holly samantalang malaki ang hinaharap nito pagdating sa pag-arte? Marami itong patataubing artista
dahil walang kahirap-hirap para rito ang pag-deliver ng linya. Tumaas-baba ang dibdib ni Aleron sa
pinipigil na galit.
Unang araw niya pa lang sa kanyang misyon pero nagkakaganoon na siya. Ang akala niya ay nakilala
niya na ang lahat ng uri ng tao dahil sa mundong ginagalawan niya pero kakaiba si Holly. Mayamaya
ay naipilig ni Aleron ang ulo. Hindi pala ito kakaiba. Dahil katulad na katulad ito ng kanyang ina.
Sinungaling. Manggagamit. Nang-iiwan sa ere.
Ang pagkakaiba nga lang ay mahirap ang ina ni Aleron samantalang isa sa tagapagmana ni Alfar
Lejarde si Holly. Bigla ay parang gusto niyang sumabog sa kalupitan ng mundo. He had no one else
left in his life because of the likes of Holly.
Hindi likas na mayaman ang mga Williams, ang pamilyang pinanggalingan ni Aleron. Purong
Amerikano ang kanyang ama na nagsikap sa buhay at sumugal sa pagnegosyo sa Pilipinas. Itinatag
nito ang Williams Prime Holdings, Incorporated, ang parent company ng Williams Group Shopping
Malls. It was one of the largest shopping malls and retail operators in the Philippines. Sa ngayon ay
mayroon na iyong tatlumpu’t isang operating malls sa buong bansa.
Hindi pa ganoon katatag ang kompanya nang makilala ni Philip, ang ama ni Aleron, si Lucia, ang ina
nila ni Athan. Dancer si Lucia sa isang maliit na bar. Doon ito nakilala ng kanyang ama na nahulog sa
bitag nito unang kita pa lang rito. Hinango ni Philip si Lucia sa kahirapan. Hindi lingid sa ama na
marami ng kinasamang lalaki si Lucia pero pinakasalan pa rin nito ang huli. Sila ni Athan ang mga
naging bunga.
Tatlong taon ang tanda ni Aleron kay Athan. Magbe-bente otso na sana ang kapatid kung hindi lang ito
namatay. Oportunista si Lucia. Sa tuwing nasa opisina si Philip at nagpapakahirap sa pagtatrabaho
maibigay lang ang mga layaw nito ay kung sino-sinong lalaki ang pinapapasok nito sa kanilang
tahanan dahil hindi ito makuntento sa isa. Wala rin itong kahihiyan. Kung saan-saan nila ni Athan
naaabutan si Lucia na nakikipaghalikan.
Sa lahat ng mga naging karelasyon ni Lucia ay ang security guard pa mismo sa kanilang mansyon ang
pinakamatagal na naging karelasyon nito. Walang makapagsumbong dahil takot ang lahat ng mga
kasambahay noon sa kanyang ina at sa karelasyon nito na pinagbabantaan silang lahat na naroroon.
Ilang ulit na pinilit na ipaalam ni Aleron ang totoo noon sa ama pero madalas ay nakagagawa si Lucia
ng paraan para mapigilan siya.
Ilang ulit rin silang nagtalo ng ina noon at parating nakikialam ang gwardya at binubugbog hindi lang si
Aleron kundi pati ang kapatid niya. Pinagbantaan pa siya nitong papatayin si Athan sa oras na hindi
siya manahimik. Para hindi na madamay pa si Athan ay pinili nga ni Aleron na magsawalang-kibo na
lang. At their very young age, Aleron and Athan learned the art of closing their eyes every time their
mother kissed and make love to other men. Nag-binatilyo sila ni Athan na ganoon pa rin ang sitwasyon.
Nagbago lang ang lahat nang mag-disinuwebe na si Aleron at mabuking ni Philip ang mga ginagawa ni
Lucia. Nagkataong na-postponed noon ang meeting ng ama at mas maaga itong umuwi noong araw
na iyon. Nadatnan nito sa master bedroom ang asawa kasama ang gwardya. Ora-oradang pinalayas
nito ang dalawa sa kabila ng pagmamakaawa ni Lucia. Simula niyon ay silang tatlo na lang ang naiwan
sa mansyon. Nagpakalunod si Philip sa pagtatrabaho hanggang sa inatake ito sa puso na siyang
ikinamatay nito noon pang mismong araw ng pagtatapos ni Aleron sa kolehiyo.
Dahil Business Management ang kursong tinapos, si Aleron ang nag-take over sa kompanya. Kasabay
niyon ay ang pangako niya sa sariling hindi na kailanman magtitiwala sa isang babae. Sobra-sobra na
ang mga bagay na ipinaranas sa kanya ng ina, mga bagay na alam niyang lumipas man ang panahon
ay parati pa ring tatatak sa isip niya at susugat sa puso niya.
Sa pagpapalago ng kompanya itinuon ni Aleron ang atensyon niya. Mas kinilala ang kanilang negosyo
sa ilalim ng pamamahala niya. Ibang daan naman ang tinahak ni Athan. Pinili nitong maging isang guro
sa isang prestihiyosong Unibersidad. Tahimik si Athan, parati itong nag-iisa noong nabubuhay pa ito.
Mas pipiliin pa nitong tumugtog ng piano sa bahay nito o magbasa sa library kaysa ang magpunta sa
kung saan. Ang buong akala ni Aleron ay nagtanda na ang kapatid dahil sa mga kagagawan ni Lucia
pero nabiktima pa rin ito ng isang tulad ni Holly.
Pero sa husay ni Holly sa pag-arte, sino ba ang hindi madadala? Ever since, it was always him and
Athan. Lumaki silang walang naranasang totoong saya at pagmamahal. Abala ang kanilang ama sa
pagtatrabaho noon habang abala rin ang ina nila sa mga karelasyon nito. There had always been a big
hole in their lives and when Holly came, Athan must have thought that Holly can fix that hole.
Bumalik ang kirot sa buong sistema ni Aleron. Pero ang butas sa pagkatao ay natatakpan lang, Athan.
Hindi ito tuluyang naglalaho. Kung sana ay lumaki sila ng kapatid sa isang ordinaryong pamilya, baka
hindi na humantong pa sa ganoon ang lahat. Pero si Holly lang ang nag-iisang taong nagbigay ng saya
sa kapatid, ayon na rin sa journal nito. At nang mawala ang sayang iyon, nawalan na rin ito ng ganang
mabuhay.
Kasalanan niya. Dapat ay binalaan niya na si Athan noong nakakausap niya pa ito. Nang malaman
niyang may girlfriend na ang kapatid ay ginusto niyang makilala agad iyon pero nasa Davao siya noon
para personal na pamahalaan ang pagpapatayo ng panibagong shopping mall nila roon dahil nadala
na siya. Noong minsang ipagkatiwala niya sa staffs niya ang pagpapatayo ng nakaraang mall nila ay
puro problema ang inabot nila.
Ilang bwan si Aleron sa Davao noon. Bukod pa roon ay hindi niya naman magawang mapagsalitaan si
Athan dahil bakas ang kakaibang saya sa boses nito. Noon niya lang ito naringgan na ganoon kasaya
at ayaw niyang putulin kaagad iyon sa pamamagitan ng pagpapaalala ng mga kasalanan ng kanilang
ina. Kaya naisip niyang sa pagbabalik niya na lang sa Maynila ay saka niya kikilatisin ng mabuti ang
ipinagmamalaki nitong girlfriend nito. Pero huli na. Dahil wala na itong buhay nang makabalik siya.
At ngayon, bukod sa kompanya ay wala ng ibang natitira sa kanya. Mali. Mayroon pa pala. Of course,
he still has his mother. Madalas pa ring puntahan si Aleron ng ina para manghingi ng pera pero hindi
na ito kailanman nakalapit pa sa kanya. Madalas ay mayroong mga gwardya na humaharang rito na
siyang pumipigil sa pag e-eskandalo nito.
“Aleron?”
Nahinto siya sa pag-iisip nang marinig ang nag-aalalang boses na iyon ni Holly. Pag-aalala? Totoo
naman kaya iyon? Holly… bakit? Bakit si Athan pa sa dinami-rami ng lalaki sa mundo? Ang lupit-lupit
mo. Ngayon ay siya pa raw ang first kiss nito. Ilang lalaki na kaya ang pinagsabihan nito ng ganoon?
Napakainosente ng mga mata ni Holly nang mga sandaling iyon.
Her kisses and her every touch, slowly healed my wounds. Naalala ni Aleron na nabasa niyang sinulat
ni Athan. Hell. Halos kabisado niya na ang buong diary nito.
“You can never be certain about someone… about anything, Emily Reed.” Mayamaya ay tukoy ni
Aleron sa pen name na ginagamit ni Holly. Umawang ang bibig ng dalaga sa pagkasopresa. “I believe
that’s the reason why the word gamble was created.”
“How did you know about my pen name?”
Nagkibit-balikat si Aleron. Ayaw niya man ay middle name niya ang ginamit sa pagpapakilala kay Holly
para makasiguro kahit na nga ba hindi binanggit ni Athan kay Holly ang kaugnayan nito sa kanya
maging sa Williams Prime Holdings, Incorporated. Pero nabanggit umano nito sa dalaga na may
nakatatandang kapatid ito na kilala ni Holly bilang Eron, ang ibinigay na nickname sa kanya ng kapatid.
Ang mga impormasyong iyon ay nakasulat rin sa diary nito.
Kinuha ni Aleron ang mga libro ni Holly sa shelf ng kapatid sa bahay nito. Pinabasa niya ang mga iyon
sa secretary niya at pinagawan pa ng summary na siyang pinag-aralan niya. Holly was a fool. She
write make-believe stories, tulad ng ginawa nito kay Athan. She also created a make-believe story for
them. Pag-ibig? Paano nito nagagawang papaniwalain ang mga tao roon samantalang ito mismo ang
sumisira sa kasagraduhan ng salitang iyon?
Athan really fell hard for Holly. Dahil eksaktong-eksaktong nailarawan nito si Holly mula sa pananamit
ng dalaga, pagsasalita at pagkilos dahil ganoong-ganoon rin ang ipinapakita sa kanya ng babaeng
kaharap niya ngayon. Sumablay nga lang si Athan sa paraan ng pagkain ni Holly at sa fast food
restaurant. But then again, Holly was proving to have so many faces.
“One boring day, I went into this particular mall. Sa tapat ng isang restaurant kung saan ako nanggaling
ay may bookstore at may nangyayaring book signing ro’n. I saw you there for the first time. You were
sitting on a table near a tarp with a name Emily Reed on it. Needless to say, I was starstruck. The
writer was lovely. After the signing, when you left, I bought your books. I was curious. Ginusto kong
malaman kung bakit blockbuster ang pila roon para sa ’yo.” Ani Aleron sa ni-rehearsed niyang linya
noon pang nagdaang araw.
“Matapos kong mabasa ang mga gawa mo, I instantly became a fan. Hindi ko inakalang dito ka pala
nakatira. Imagine my surprise when I saw you here earlier. That’s the reason why I grabbed the chance
to invite you out. It doesn’t happen everyday. I’m glad you said yes nang alukin kita kanina. It was
wonderful eating with you, Holly.”
Nanlaki ang mga mata ni Holly. “Hindi nga?” Pinaglakbay nito ang mga mata sa kabuuan ni Aleron.
“Paano nangyari ‘yon?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Aleron. “’Want proof? Ask me anything.” Ilang sandali pa siyang
pinakatitigan ni Holly.
“Kung talagang reader kita, malalaman mong hindi ako nag-uulit ng pangalan sa mga kwento ko.
There’s this story that I wrote about Martha and David. Can you tell me their story title?”
“Chicken.” Pumalatak pa si Aleron. “That’s ‘Way back into love’.” Kitang-kita niya ang pagkasorpresa sa
mukha ng dalaga.
“Tama pero isa pa. Sino ang main characters ng kwentong Daydreamer-“
“Bryan Ferrel and Vivian Avila. Bryan was a doctor. Vivian was a nurse. They worked in a hospital
named St. Agustine and-“
“Oh, God.”
Si Aleron naman ang nasorpresa nang dahan-dahan siyang lapitan ni Holly. Hinaplos nito ang mga RêAd lat𝙚St chapters at Novel(D)ra/ma.Org Only
pisngi niya.
“Are you for real?”
Namangha si Aleron. Holly’s hands felt unexpectedly good against his cheeks. Mainit at malambot ang
mga kamay ng dalaga. Ipinaibabaw niya ang mga kamay sa mga kamay nito nang makabawi. Sinikap
niyang ignorahin ang mabining pabango nito na tumatagos sa buong sistema niya.
“Ginusto kong magpakilala noon pero hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon. I was busy. May
mga pagkakataong ang secretary ko pa ang bumibili ng mga libro mo para sa akin. It’s pretty hard to
believe, I know. My secretary’s reaction was worse.” Muling nagkibit-balikat si Aleron. “I’m not really the
type to believe in forever, in happy endings. But your books, they sort of became my escape, Holly. Sa
dami ng mga nangyayari sa mundo ngayon, everybody would really want to escape at times.”
“Did I just say you ruined my dreams?” Gulat pa ring tanong ni Holly. “You didn’t. You even fulfilled one
of my wishes. Isa sa mga hinihiling ko ang makahanap ng lalaking makakaintindi sa mga gawa ko.
Iyong tipong hindi bababa ang tingin sa akin dahil sa mga pinaniniwalaan ko o dahil fan ako ng
forever.” Bahagya pang natawa ang dalaga.
Ayaw mang aminin ni Aleron ay masarap sa pandinig ang tawa ni Holly. Minsan pa siyang nasorpresa
nang kumawala ito sa pagkakahawak niya rito at bigla na lang siyang niyakap.
“That was touching, Aleron. Thank you for appreciating my novels.”
Hindi nakapagsalita si Aleron. Hindi rin siya nakakilos kaagad. Guni-guni niya lang ba iyon o talagang
sandaling tumigil sa pagtibok ang puso niya? Hindi siya pumapasok sa relasyon. Nagkaroon na siya ng
trauma dahil sa ina pero aminado siyang marami nang babae ang dumaan sa buhay niya. Pero
palaging hanggang doon na lang iyon. Dumaan. Hindi nagtatagal.
He had kissed so many women that he had lost count. Higit pa nga sa halik ang nangyari sa kanila ng
mga babaeng iyon. So why on Earth would he care about Holly’s simple embrace? But God… it felt
nice. More than nice, actually.