Chapter 9
Chapter 9
DUMIIN ang pagkakahawak ni Ansel sa manibela matapos niyang maigarahe ang kanyang kotse at sa
wakas ay matanaw si Yalena. Nakatayo ito malapit sa guardhouse pero nang makita ang kanyang
kotse ay dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanyang sasakyan. Nahigit niya ang hininga. Halos
mabaliw na siya sa nakalipas na mga araw. Ni hindi siya mapakali. Ang buong akala niya ay hindi na
magpapakita pa sa kanya ang dalaga.
Sumama pa ang loob niya nang mapag-alamang parehong nakauwi na sina Maggy at Clarice kina
Austin at Alano noong nakaraang araw habang siya ay patuloy na naghihintay. Walong araw na ang
lumipas simula nang walang kaabog-abog na naglaho ang kanyang dragon. Beinte-kuwatro na ng
Disyembre nang araw na iyon. Tuwing Noche Buena at Pasko, kadalasan ay nagpupunta silang
magkakapatid sa Olongapo para ipagdiwang iyon kasama ng mga magulang. Pero hindi niya
magawang umalis. Dahil may hinihintay siya. Kaya laking tuwa niya nang tumawag si Yalena nang
umagang iyon at nagyayang magkita sila sa sementeryong iyon. Wala nang tanong-tanong. Umoo siya
kaagad.
Nang sa wakas ay tumawag na si Yalena, pakiramdam ni Ansel ay kaya niyang pumunta sa kung saan
mang gustuhin ng dalaga para lang makita ito. Dahil hindi tinted ang salamin ng kanyang kotse ay
malinaw nilang nakikita ng dalaga ang isa’t isa. Nag-init ang mga mata niya nang makita ang matamis
na pagngiti nito. Yalena was glowing. She wasn’t wearing dark clothes anymore. Ang buong akala niya
ay mahilig lang talaga ito sa mga ganoong kulay. Kaya ikinasorpresa niya nang makitang nakasuot ito
ng peach na bestida na hanggang mga tuhod ang haba.
Inilahad ni Yalena ang palad nito. Nagmamadaling bumaba si Ansel ng kanyang kotse at tinakbo ang
kinaroroonan ng dalaga. Agad na ipinaloob niya ito sa kanyang mga bisig. Naipikit niya ang kanyang
mga mata nang maramdaman ang pagganti nito ng yakap.
“I’m so sorry, Ansel. Alam kong nag-alala ka. Kinailangan ko lang na—”
“Sssh. Wala ka nang ibang kailangang sabihin pa. I’ve learned the hard way. From now on, I won’t
force you to open up to me anymore. I promise I’ll be more understanding,” agad na sinabi ni Ansel.
“I’m sorry kung na-pressure ka sa mga ipinagtapat ko noon. Hindi na mauulit. Right now, I’m just so
glad that you finally showed up before I go completely nuts.” Humigpit ang pagkakayakap niya sa
dalaga.
Her presence was the greatest gift he had ever received that Christmas.
“COME, I’ll introduce you to the two of the most important people in my life,” ani Yalena nang sa wakas
ay bumitiw kay Ansel. Siya na ang kusang humawak sa palad nito at mayamaya ay marahang hinila ito
papasok sa sementeryo. When she was younger, when she still believed in fairy tales, she dreamt of
taking her prince or her knight in a sacred place and there, she would give him her yes. Sa simbahan
niya iyon pinangarap noon. Pero hayun sila ni Ansel sa sementeryo ngayon.
Malayo iyon sa pinangarap niyang simbahan pero sagrado pa rin naman iyon. Nakapagdesisyon na
siya. Palilipasin niya lang ang Pasko at Bagong Taon at makikipagkita na siya kay Dennis para
personal na aminin dito ang pagtiwalag niya mula sa kanilang plano. Dalangin niya ay magawa siyang
maunawaan ng lalaki. Tinimbang niya ang mga bagay-bagay sa nakalipas na mga araw lalo na noong
mapag-isa siya at umuwi na sina Maggy at Clarice.
Hindi na siya tatakas. Hindi na siya iiwas. Haharapin niya na ang nakaraan para kay Ansel.
Makikipagsapalaran si Yalena sa binata. Panghahawakan niya ang seguridad, kaligayahan, at pag-ibig
na pangako nito. Haharapin niya ang kanyang mga bangungot na kasama ito. Ang tagal niya nang
nakikipaglaban sa mga multo ng nakaraan at gusto niya nang ipahinga ang kanyang puso. And she
knew Ansel was worth quitting those battles. Huminto siya sa tapat ng lapida ng mga magulang.
“Sila ang mga magulang ko. Sina Vicente at Selena de Lara.” Nilingon ni Yalena ang binata nang
matahimik ito. Pagharap niya ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya. Kumunot ang noo niya. “What?
Ayaw mo ba silang makilala?”
“Hell, no!” Nagmamadaling tiningnan ni Ansel ang puntod ng mga magulang ni Yalena. “I’m so sorry for
the word, Mr. and Mrs. de Lara. Nagulat lang po ako dahil ang tagal ko nang hinihintay na gawin ito ng
anak ninyo.” Bahagyang yumukod pa ang binata. “It’s a pleasure to meet you both. Ako po si Ansel
McClennan at mahal na mahal ko po ang anak ninyo, Sir and Ma’am. I just hope both of you from up
there could guide her heart so she could learn to love me back. At ipinapangako ko po, iingatan ko si
Yalena.”
Namasa ang mga mata ni Yalena. Sino bang mag-aakala na ang binatilyong hinangaan at minahal niya
noon ang siya mismong magbibitaw ng ganoong mga salita sa kanyang mga magulang ngayon?
“I love every food you’ve served me before, Ansel. Hindi ako magsisinungaling at sasabihing the best
ang lasa ng mga niluto mo,” nangingiting pag-amin niya mayamaya. “Dahil may pagkakataong
matabang, matamis o maalat ang mga ‘yon. But I loved them simply because you were the one who
cooked them. Wala akong sinasabi dahil hindi ko naisip na dapat pala may sasabihin din ako.”
Bahagyang natawa si Yalena nang bumakas ang pagkalito sa anyo ni Ansel. “I never had a man in my
life before. Kaya pagpasensiyahan mo na kung hindi ko alam ang gagawin pagdating sa `tin. I admit for
being too cold for far too long. But having you in my life brought me warmth. And I didn’t know how to
deal with that warmth. Dahil bago sa akin ang pakiramdam na ‘yon. Wala rin akong partikular na
pelikulang gusto,” pagbibigay niya ng kasagutan sa mga sinabi ng binata noon. “But I did enjoy every
movie I’ve watched with you. You said you wanted to know what makes me happy. Simple lang. Ikaw.”
Natulala ang binata.
Ipinaikot ni Yalena ang mga braso sa batok ng binata. “Alam ko na marami ka pang gustong malaman
tungkol sa buhay ko. But you have the rest of our lives to ask me. But for your own peace of mind, let
me tell you a brief detail about me. I’m Yalena de Lara, twenty-nine.” Mapaglarong kinindatan niya ang
binata. “Isa akong abogada pero plano ko nang magretiro dahil gusto ko nang manatili rito kasama mo.
When I was younger and a dreamer, I believed in fairy tales; in kings and queens, in princes and
princesses. `Tapos nakilala kita. You brought back the girl and the dreamer in me. Hindi ako prinsesa
pero naniniwala akong natagpuan ko na ang prinsipe ko. And he’s standing right next to me.” Masuyo
siyang ngumiti. “And I love him. At ngayon, sa harap ng mga magulang ko, gusto kong iparating sa
kanya na tapos na ang paghihintay niya. Hindi na ako lalayo. Hindi na ako matatakot magmahal. Mahal
kita, Ansel McClennan.”
“God…” bulong ni Ansel nang sa wakas ay makabawi. “Mahal din kita, Yalena. Mahal na mahal kita.”
Mabilis na ginawaran siya ng binata ng halik sa mga labi. “You’re multitalented. That’s why I find you
scary. You can insult me, annoy me, and make me feel stupid and happy all at the same time. Kayang-
kaya mo akong saktan. Kaya araw-araw, ipinagdarasal ko na lang na sana, sana hindi mo gawin.
Because I don’t think I could handle it. You know you’re my weakness.”
“Iyon din ang hiling ko.” Tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha. “Promise me, you won’t hurt me.
Ang dami ko nang pinagdaanan. I don’t think I could handle another pain.”
“I promise. God… this is the best Christmas of my life.”
HUMIGPIT ang pagkakahawak ni Yalena sa kamay ng Tito Harry niya habang papasok sa malawak na
sala ng mga Alvero kung saan magkakasamang pinaglalamayan ang kanyang mga magulang at ang
kanyang Tito Roman, ang ama ni Clarice. Simula nang mamatay ang mga magulang ay hindi niya pa
nagagawang makalapit sa kabaong ng mga ito.
Si Maggy lang ang halos hindi umaalis sa tabi ng mga kabaong habang si Yalena ay nanatili sa gilid ng
swimming pool nang nag-iisa. Sa likod-bahay iyon kaya doon niya piniling maglagi para hindi siya
makakita ng anumang palatandaan na totoo ngang patay na ang kanyang mga magulang, para hindi
niya masilip ang mga nakikiramay, ang mga nagkalat na korona ng bulaklak, at ang mga kabaong. Sa
loob ng tatlong araw ay hindi umaalis si Yalena sa gilid ng swimming pool. Madalas siyang puntahan
doon ng Tito Harry niya at ng Tita Carla niya. Dinadalhan na lang siya ng mga ito ng pagkain, mga
pagkaing ni hindi niya magalaw. Tubig lang ang tinatanggap ng kanyang sikmura. Hindi siya mahikayat
ng dalawa na pumasok sa loob.
Nang umulan nang malakas at nanatili pa rin si Yalena sa kinaroroonan ay hindi na pumayag ang
kanyang Tito Harry sa gusto niya. Pareho pa silang nabasa bago siya nito napilit na pumasok sa loob.
Kung hindi pa nagbanta si Tito Harry na susunod sa kanila si Maggy sa pool area ay ni hindi siya aalis
sa kinaroroonan.
Ngayong wala na ang kanilang mga magulang ay si Maggy na ang nagsisilbing kahinaan ni Yalena
dahil ang kakambal na lang ang mayroon siya. Gustong-gusto niya itong damayan pero hindi niya
magawa. Hindi niya kaya. Pero hayun siya at papasok na sa sala nang mga sandaling iyon.
Sinalubong si Yalena ni Maggy. Binalutan nito ng malaking tuwalya ang kanyang basang-basang
katawan. Bahagya pang nakaramdam ng panliliit si Yalena dahil napakalinis pa rin tingnan ng
kakambal habang siya ay tatlong araw nang hindi nakaliligo, hindi nakapagbibihis at ni hindi
nakakapagsuklay. Suot niya pa rin ang kanyang uniform sa eskwela habang si Maggy ay nakapagpalit
na.
Parang sasabog ang ulo ni Yalena nang makita ang mga kabaong. Ayon sa tiyuhin ay kinailangan daw
na takpan ang mga iyon dahil nasira na ang mukha ng kanyang mga magulang at ng Tito Roman niya
dahil sa nangyaring insidente. Dumadagundong ang dibdib na napahinto siya sa paglalakad. Bumitiw
siya mula sa pagkakahawak ng kanyang Tito Harry.
Naipilig ni Yalena ang ulo. Humarap sa kanya ang tiyuhin. Lumuhod ito para magpantay ang kanilang
mga mukha. Nangilid ang kanyang mga luha nang masalubong ang mga mata nito. Pakiramdam niya
ay nakatitig siya sa mismong mga mata ng kanyang ama dahil magkatulad ang mga mata ng mga ito.
“Yalena, sweetheart, makinig ka sa akin. Mamayang hapon na ililibing ang mga magulang mo. You
can’t go back in the pool area and stay there forever. Kung hindi ka sasama sa sementeryo, okay lang.
But you have to at least, say good-bye to your parents. Kailangan mong maintindihan na—”
“Ano ang kailangan kong maintindihan? Hindi naman totoo ang lahat ng ito, eh! My parents are not
really dead!” umaalon sa pinagsamang galit at sakit ang dibdib na sigaw ni Yalena. “Malinaw ‘yong
usapan namin ni Mommy three days ago. Nangako siyang babalik. She promised that she will bake my
favorite apple pie. And Mommy never breaks her promises!”
Parang sasabog ang ulo na inilibot ni Yalena ang mga mata sa paligid. Lahat ng mga naroroon ay mga
nakaitim at lahat ay nakatutok sa kanya ang atensiyon gamit ang mga matang puno ng awa. Awa.
Hindi niya kailangan iyon. “Stop looking at me like that! `Wag kayong maawa sa akin dahil hindi ako
nakakaawa! Why don’t you all just leave?” sigaw ni Yalena at mayamaya ay nagtatakbong umakyat sa
hagdan, papunta sa kwarto. Pero naabutan siya ni Maggy sa ikalawang palapag ng bahay.
“Yalena!”
“What?” Bumagsak na ang mga luha ni Yalena. Pinagmasdan niya ang kakambal. Maski ito ay
nakasuot ng itim na damit. “Bakit ba lahat na lang kayo, nakaitim? Stop this crap! No one is dead!
Babalik pa sina Mommy at Daddy. Baka na-late lang sila. God…” Pumiyok ang kanyang boses.
Nanghihinang napasandal siya sa pinto ng inookupang kwarto. “They can’t be dead, Maggy. I’m not
ready to say good-bye yet. Ang dami ko pang tanong. Ang dami ko pang hindi naiintindihan. Paano ito
nagawa ni Tito Benedict? Our Mom and Dad, they’re all we have.” Napahagulgol siya. “They can’t just
die like that!”
Mayamaya ay mabilis na pinahid ni Yalena ang mga luha. Umayos siya nang tayo. “What am I doing?”
Natawa siya. “Bakit ba ako umiiyak? Wala namang nakakaiyak.” Pumasok na siya sa kanyang kwarto.
Binuksan niya ang closet at namili ng isusuot. “Maggy, help me pick a dress. Kailangan maganda pa rin
ako sa pagdating nina Mommy at Daddy.” Bahagya siyang ngumiti at mayamaya ay naghalungkat ng
mga isusuot. “I should have done this three days ago. Ang baho-baho ko na. Baka masermunan ako ni
Mommy.”
Iniangat ni Yalena ang dilaw at pink na bestida at ipinakita sa kakambal. “Ano sa tingin mo, sis? Ano’ng
mas maganda?”
Nabigla siya nang kunin sa kanya ni Maggy ang mga damit at basta na lang initsa sa sahig. Hinawakan
siya nito sa mga balikat. “Tumigil ka na! You are making me worry!”
“Ano ba’ng pinagsasabi mo—”
“Yalena, they’re dead! Our parents are dead! Benedict McClennan killed them!”
“No!” sigaw ni Yalena sabay bangon. Tumaas-baba ang kanyang dibdib. God… kailan ba hihinto ang
mga bangungot niya? Naramdaman niya ang pagkilos ni Ansel sa kanyang tabi. Bumangon din ito at
marahang niyakap siya mula sa kanyang likuran.
“Another nightmare?” namamaos pang bulong ng binata.
Hindi nakasagot si Yalena. Dahan-dahang nilingon niya si Ansel. Sumalubong sa kanya ang mukha ni
Benedict.
Oh, God. Nagmamadaling itinulak niya ang binata. Umalis siya ng kama at nagpunta sa banyo. Mabilis This content is © NôvelDrama.Org.
na ini-lock niya ang pinto niyon at mayamaya ay binuksan ang shower. Mahinang naiuntog niya ang ulo
sa tiles na dingding ng banyo kasabay niyon ay ang kanyang pag-iyak. Sumalampak siya sa sahig at
isinubsob ang mukha sa mga tuhod.
Narinig niya ang magkakasunod na pagkatok at pagtawag sa kanya ni Ansel mula sa labas pero hindi
niya magawang tumayo at pagbuksan ito. Hindi niya magawang harapin ang binata.
Mommy, Daddy, gusto ko na ring mag-move on. Pero paano ba?
“WHAT are her nightmares about?” hindi nakapagpigil na tanong ni Ansel kay Maggy nang lapitan niya
ito. Kasalukuyan itong abala sa pag-iihaw sa hardin ng kanilang mansiyon habang nasa kusina naman
sina Clarice at Yalena na magkasama na naghahanda ng kanilang hapunan. Si Alano naman ang
solong nagse-set-up ng mga gagamitin nilang lamesa at upuan sa pool area. Umuwi sa kani-kanilang
mga probinsiya ang kanilang mga kasambahay kaya sila-sila lang ang kumikilos sa mansiyon.
Si Austin ang kanina ay nag-iihaw pero nagpunta ito sandali sa supermarket para bumili ng cookies
and cream flavored ice cream na bigla na lang pinabili ni Maggy. Dahil alam na naglilihi ang asawa ay
wala nang sali-salita pang kumaripas si Austin papunta sa pinakamalapit na supermarket. Si Maggy
ang sumalo sa gawain nito. Araw ng Pasko iyon. Nasa kanilang mansiyon ang lahat nang mga
sandaling iyon para mag-celebrate nang magkakasama.
Ang orihinal nilang plano ay magbiyahe na lang papunta sa Olongapo para makasama ang mga
magulang pero tumawag ang kanilang ina noong nagdaang gabi at ipinaalam na nasa Olongapo ang
mga kaanak ng ama na mula pa sa Amerika para doon i-celebrate ang Pasko at Bagong Taon na
kasama ang kanilang ama. Pagkatapos ng Bagong Taon ay saka na lang umano sila bumisita roon.
Ang kanilang ina, kahit matagal nang hiwalay sa kanilang ama, ang siyang nag-assign sa sarili nito
bilang personal nurse ng ama noong malaman nito ang kondisyon ng huli.
Natigil mula sa pagpapaypay ng mga iniihaw nitong isda si Maggy. Lahat halos ng tungkol sa buhay ni
Yalena ay sinabi na nito kay Ansel noong nagdaang araw nang magbalik ito sa buhay niya. They spent
hours talking and getting to know each other. Pero wala siyang reklamo. Masaya siyang sa wakas ay
may nalalaman na tungkol sa buhay ng kanyang girlfriend.
Pero ang dahilan ng mga bangungot nito ay hindi pa nito maamin-amin sa kanya. Saka na daw kapag
handa na ito pero hindi niya pa rin mapigil ang mag-alala. Noong nagdaang gabi ay muling dinalaw ng
bangungot ang dalaga. Mabuti na lang at ipinagpilitan ni Ansel na hindi na muna umuwi sa kanyang
sariling bahay para mabantayan si Yalena.
Bumuntong-hininga si Maggy. “Nag-aalala rin ako para sa kakambal ko. Matagal nang nawala ang mga
bangungot niya. But it seems like going back to the Philippines and being associated with the ones
close to the man she had feared and hated for a very long time brought back her nightmares.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Ansel. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Her nightmares are actually about our parents’ death and the person behind it. Siya ang mas
naapektuhan nang mamatay ang mga magulang namin.”
“What?” Nabigla si Ansel. “Hindi niya ‘yan nabanggit sa akin. Yalena just told me that your parents died
in a car accident. Hindi niya nabanggit na may taong sinadyang ipapatay ang mga magulang n’yo.”
Bahagyang ngumiti si Maggy pero hindi maikakaila ang sandaling pagrehistro ng pagkasorpresa sa
mga mata nito. “Yalena is a very loving person. Hindi lang `yon masyadong halata dahil sa mga
pinagdaanan namin, sa mga pinagdaanan niya. Mahirap makapasok sa puso niya pero sa oras na
nakapasok ka na ro’n, sulit. Dahil siguradong nando’n ka na lang parati. Siguro, kaya hindi niya na
sinabi ‘yon ay para hindi ka na mag-alala. Iyong ibang detalye, sasabihin niya rin sa `yo kapag ready
na siya.”
“Pero paano kapag binangungot na naman siya—”
“Distract her. Iyon ang parati naming ginagawa nina Tito Harry at Clarice noon. Make her forget about
her nightmare. Make her forget about her fear.”
“PLEASE just leave me for a while, Ansel.”
Natigil sa pagbabalik-tanaw si Ansel nang marinig ang pagsigaw na iyon ni Yalena mula sa loob ng
banyo. “No! How am I supposed to leave you like that?” And how am I supposed to distract you?
Naalala niya ang engagement ring na binili noong nagdaang araw. Ang plano niya ay mamayang gabi
pa iyon ibigay sa dalaga pagsapit ng Bagong Taon. Nagmamadaling kinuha niya ang singsing sa closet
kung saan nakalagay ang ilan sa kanyang mga personal na gamit.
Simula nang araw na sagutin si Ansel ni Yalena ay idineklara niya nang sa bahay nito matutulog lalo na
ngayong may sigurado na siyang posisyon sa buhay nito. He wanted to be the one beside her as she
wakes up in the middle of the night from her bad dream. Halos araw-araw na lang ay dinadasalan niya
si Yalena hayaan lang siya nitong makatulog sa bahay nito gabi-gabi.
Noong mga nagdaang gabi ay sa sahig sa ibaba ng kama ng dalaga siya natutulog. Pero para bang
naawa ito nang magkunwari siyang nilalamig sa ibaba kaya pinalipat na siya sa kama nito. At doble na
ang saya niya sa ganoon. Mahawakan niya lang ang kamay ng kanyang dragon o `di kaya ay mayakap
ito ay langit na para sa kanya.
Pagkakuha ni Ansel ng ring box ay muli siyang bumalik sa pinto ng banyo. Muli siyang kumatok.
“Kindly open the door, babe. May kailangan akong itanong sa `yo.”
“Later, Ansel, please—”
“Noong bata ka pa, ang sabi mo, minsan kang naniwala sa fairy tales. Well, me, ever since, I don’t,” ani
Ansel sa mas malakas na boses para makasigurado na maririnig siya ni Yalena sa kabila ng buhos ng
tubig sa shower. “I only believe in unreciprocated love because that’s what I witnessed in my parents. I
didn’t believe in happy endings because my parents didn’t achieve theirs. Buong buhay nila,
nagmamahal sila ng mga taong ni hindi nagawang suklian kahit katiting ang mga nararamdaman nila. I
found that pathetic. Hanggang sa dumating ka… Hanggang sa mahalin kita.” Napahugot siya nang
malalim na hininga. “Saka ko lang sila nagawang maintindihan.
“Sa pagmamahal pala, okay lang kahit hindi ka magawang mahalin ng taong mahal mo. Basta makita
mo lang sila, sapat na para sa `yo. But when you managed to love me back, for the first time, I believed
in fairy tale, Yalena. The very moment you said you love me; I saw my happy ending waving at me.
And if you will let me, I want to be the one to teach our future children that fairy tales and happy
endings exist.” Lumuhod si Ansel sa sahig kasabay niyon ay narinig niya ang paghinto ng tubig mula
sa shower. Binuksan niya ang ring box. “Yalena de Lara, pwede ka bang maging reyna ng buhay ko?
Will you marry me?
“If you say yes, then I will have our knights build our palace as soon as possible.” Naging masuyo ang
boses ni Ansel. “And there, we will raise our princes and princesses. Pero ngayon pa lang, sasabihin
ko na sa `yo na hindi magiging perpekto ang pagsasama natin `di tulad ng sa mga nababasa mo o sa
mga nakikita mo sa pelikula. But Yana, I assure you, our marriage is going to be full of love every
single day.”