ONE WONDERFUL NIGHT

CHAPTER 36



Sa lakas ng tahip ng puso ko ay halos marinig ko na ang pag kabog nito. Hindi ko alam kung dahil lang ba 'yon sa kinakabahan ako, dahil alam kong mapapagalitan niya ako ngayon, o kung may iba pa mang rason ay hindi ako sigurado. Seryoso siyang nakamasid sa akin habang papalapit ako sa inuupuan niya. Nang nasa harapan na ako ng pahabang couch ay dahan-dahan akong umupo sa pinakadulong bahagi no'n. Pakiramdam ko kasi mas lalo lang kakalabog ng todo ang puso ko kapag masyado kaming magkalapit. Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko ang pag taas ng isang kilay niya at ang pag nguso niya. Nakagat ko na man ang loob ng aking pisngi dahil do'n.

Hinihintay ko siyang magsalita pero dumaan na ang ilang minuto ay wala pa rin akong narinig sa kaniya. Mataman lang siyang nakatitig sa akin kaya ako napalunok. Mas lalong kumalabog ang puso ko dahil do'n. Ano kaya ang iniisip niya? Hindi niya naman ako e-fa-fire diba?

Marahan kong pinakawalan ang isang malalim na hininga bago naglakad loob na magsalita.

"A-ahm, sir, pasensya na po sa nagawa kong kapalpakan kahapon." Pasiuna kong hingi ng paumanhin sa kanya.

Tahimik lang siyang nakamasid sa akin, nakikinig.

"Uhm... N-nalaman ko po na kakilala n'yo po pala 'yong guest kahapon, sir. Sorry po talaga sa nagawa kong k-ka.. katangahan. Hindi ko man 'yon sinadya, pero alam ko ring nagkamali pa rin ako at hindi iyon tama. Wala akong pwedeng masabi na tamang rason kaya pasensiya na po talaga, Sir." Dagdag kong sabi.

Bahagya akong napayuko. Hindi ko na makayanan ang intensidad ng titig niya. Hindi ko matukoy kong ano ang nasa isip niya. Pero dahil sa taman ng titig niya ay mas lalo lang itong nagpakaba sa akin.

Napalunok ako nang marinig ko siyang napabuntong-hininga. Hinahanda ko na ang sarili ko, kung sakaling mapagalitan niya man ako. Para sa akin naman ay mas okay na 'yong pagalitan niya ako. Basta ba't wag niya lang ako tanggalan ng trabaho.

Mariin akong napapikit at wala sa sariling napapailing. Please stop overthinking, Farrah! H'wag ka ngang OA jan. Unang kapalpakan mo pa naman iyon, e. So, impossible namang e fire ka niya agad!

Naging mabuting employado rin naman ako kaya impossible 'yon. Pero, kakilala niya 'yong guest, e. Paano na 'to? Huhuhu...

"What happened?" Banayad niyang tanong sa kabila ng mariin niyang titig. Ramdam na ramdam ko kasi iyon kahit hindi ko pa siya tignan.

Lumunok ako. Hindi nakakatulong ang mga titig niya sa kanina ko pang nag huhurumintado na puso. Dahan-dahan akong lumingon sa aking kaliwa para maharap ko ulit siya.

Ang mga magagandang mata niya ang nakasalubong ko. Ang kanyang mga titig ay sumisigaw na ang kanyang buong atensyon ay nasa akin lamang. Parang nanunuyo ang lalamunan ko kaya napalunok muna ako bago nag salita ulit. “Uh... Ahm, k-kasi s-sir..." Nauutal ako dahil sa kaba. Hindi ko makayanang makipagtitigan sa kanya kaya ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking mga mata. "Kasi, ano po, ahm.. ganito po 'yon, tinatawag na po pala ako ni Ma'am kahapon, 'yong guest po, tapos di ko po siya narinig. K-kasi naka-" Naputol ang sasabihin ko nang mag salita siya.

"Wait, stop..." Sabi niya kaya napatigil ako. Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa kanya. He shifted his seat. Kung kanina ay ang ulo niya lang ang nakadirekta sa pwesto ko, ngayon naman ay pati ang mga tuhod niya na. Mabuti na lang talaga at dito ako umupo sa pinakadulong bahagi ng couch. At baka kung hindi ay mababangga na ako sa mahahaba niyang binti. "That's not what I want to know, Farrah." Dagdag niya.

"H-huh?" Maang ko namang tanong sa kanya. "Ahm, a-ano po pala... s-sir?"

"You know what, Farrah. Incidents like yesterday are just normal. May mga instances talaga na hindi natin maiwasan ang magkamali kaya nangyayari ang mga 'yon. After all, we are just humans and we are not perfect, kaya tayo nagkakamali." Ang buong atensyon ko ay ando'n na sa kanya. Pero bakit parang wala akong maintindihan sa sinasabi niya? Kinagat ko ang ibabang labi ko at naguguluhan pa ring nakatitig sa kanya. Akala ko ba ay gusto niyang nalaman kung ano ang nangyari no'n?Property © of NôvelDrama.Org.

"I know that you are going through something right now. Honestly, I badly want to know what is it. But..." He trailed off and I saw him swallow. "... but I would rather just choose not to ask you why because I respect your privacy." Mababa ang boses na wika niya. Ang mga mata niyang nakatitig sa akin ay lumamlam na lang bigla. Nakagat ko ang aking ibabang labi. Parang bigla na lang nawala ang kaba na naramadaman ko kanina at napalitan iyon ng panibago na namang emosyon.

Again, narinig ko na naman ang pagbuntong hininga ni Flynn. I shifted my seat and unconsciously played with the hands that were on my lap. Hindi ko alam ang sasabihin ko o kung dapat ba akong sumagot sa kanya.

"But, whatever might that be, I hope that you will be fine. And... if you perhaps need someone to go to, please, don't hesitate to come to me. I am just always here for you. If you need someone to talk to or to hear you, I am just here, willing to be with you."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa magaganda niyang mata, na ngayon ay seryoso pa ring nakatingin sa'kin. Masaya at nagpapasalamat ako sa mga sinabi niya. It was like he is offering himself to me. That he cares for me.

Pero bakit parang pinipiga ang puso ko ngayon?

Ito ba ay dahil nakokonsensya ako sa kanya? Dahil, kahit sa kabila ng mga nasabi kong hindi maganda ilang araw lang ang nakalipas ay heto pa rin siya, nasa aking harapan at iniintindi ako?

"Thank you, Flynn." Sinsero kong pasasalamat sa kanya.

Pagkatapos kong magpasalamat ay umalis na ako do'n sa opisina niya. Pumasok na ulit ako sa restaurant para mag trabaho ulit. I tried so hard to stay focus at work. Ayaw ko nang pumalpak na naman kaya isinantabi ko na muna ang lahat ng nararamdaman ko habang nasa trabaho ako.

"Hi, good afternoon! Welcome to FN Lewis Restaurant." Nakangiting bati ko ng pagbuksan ko ng glass door ang mga guest na kararatong lang. "Table for how many, ma'am?"

"Table for 6 pax, please." Sagot naman ng guest.

Nakangiti akong tumango at mabilis na tinanaw ang mesa kung saan sila umupo. "Sure, ma'am. Please follow me..."

Iginiya ko sila sa pang anim na mesa. Nang makaupo na sila ay agad ko silang binigyan ng tig-iisang menu namin dito sa restaurant. "Here is our menu, ma'am."

"Thank you." Isa-isang sagot ng mga guest taga bigay ko ng menu.

Medyo marami rin ang guest namin ngayon. Kaya ang mga kasamahan ko ay nasa kanilang mga assigned station. Nakatayo lang ako sa gilid ng rectangular table habang hinintay ang aking mga guest na makapagbigay ng gusto nilang e order.

Hawak ko sa aking kaliwang kamay ang isang maliit kong note pad, habang sa kanan naman ay ang aking ballpen. A smile is plastered on my face while I was patiently waiting for them.

"Miss, here..." Tawag ng babaeng guest sa akin na mabilis kong binalingan. May itinuturo ito sa menu na tinignan ko rin. "I want a platter of this one, and this, and this..."

Isinulat ko ang lahat ng orders nila. Medyo marami rin iyon, dahil siguro ay anim din naman sila.

"So, I will just repeat your order ma'am. 1 Antipasto Large, 1 Crispy Chicken, 2 Linguinne Aglio Olio, 1 Chicken Parmesan Small, and 1 Medium-well Rib Eye." Inisa-isa ko ang mga sinabi niya para e confirm ang kanyang order. "Did I get your orders correctly, ma'am?"

"Yes. Thank you."

"How about for your drinks, ma'am?" Tanong ko ulit sa guest.

"I will have a Pineapple juice." Sabat no'ng isang guest.

"Mine is Cola Zero, please." Sagot naman no'ng isa. "And Ria will have a Cola Zero, too."

"How about you two?" Tanong no'ng guest na sa tingin ko ay ang host nila.

"I want a mango juice, please. Thank you." Inilista ko lahat ng mga sinabi nila.

"Mine is pineapple and cucumber splash, please." Sagot naman no'ng pang-limang babae.

Umangat ang tingin ng guest host sa akin at ngumiti. "Mine would be pineapple juice as well. Thanks."

"Okay, ma'am. So, it would be 2 pineapple juice, 1 mango juice, 1 pineapple and cucumber juice and 2 Cola Zero, right?"

"Yes. Thank you..." Sagot ng guest at sumulyap sa nameplate ko. Pagbalik ng mga paningin niya sa akin ay nginitian niya ako. "Ms. Farrah."

"You're welcome, ma'am. The serving time will take 25 to 30 minutes. Thank you!"

Pagkatapos kong kompirmahin ang lahat ng mga orders nila ay dumiretso na ako sa may dining counter. Nag ta-type na ako ng mga orders sa POS para lumabas na ang order ticket do'n sa kusina, nang may biglang nagsalita sa aking likod. "Is everything going well?"

Tanong ng boses na nasa aking likuran. Kahit hindi ko pa siya tignan alam ko na kung sino ang nag mamay-ari no'n. Tinapos ko na muna ang pag ta-type ng mga orders para ma prepare na ito ng mga taga kusina, bago ko siya liningon. "Ahm, y-yes, sir. Okay naman po lahat." Kinakabahang sagot ko.

Sa pagkakaalam ko ay nasa kusina siya kanina. Bakit pa siya lumabas dito? Para siguradohing hindi ako pumalpak? O baka naman ay nag-o-overthink na naman ako?

Tumango siya sa akin at sumagot. "Oh, okay. That's good, then."

"Ah, yes po. Excuse me lang, sir. Bigyan ko lang po muna ng service water ang mga guests." Nag excuse na ako sa kanya.

Ayaw kong ma distract na naman at mapabayaan ko ang trabaho ko. Ayaw kong pumalpak na naman, lalo na at nandito pa naman siya. Ayaw ko nang mapahiya na naman sa kanya.

Binalikan ko na ang mga guest ko at linagyan ang mga baso nila ng service water. Hindi lang sila ang pinaunlakan ko. Pati na rin ang ibang guest na naka upo sa assigned tables ko. Tinugunan ko ang lahat ng kanilang mga pangangailangan hanggang sa matapos ang shift ko.

"Nicz, ihahatid pa rin kita sa inyo ah."

Napabaling ako sa aking katabi dahil sa sinabi niya. Kumunot ang aking noo at tingnan ko siya. Tumaas-baba ang mga kilay niya at may ngiti sa mga labi niya. Napaismid ako. Hanggang ngayon talaga ay hindi ko pa rin mawari na ang isang Beau, na dati ay nakilala ko noon bilang isang masungit, ay ganito pala kakulit ngayon. Napailing ako.

"Nako! H'wag na, Beau. Marunong naman akong mag commute noh!" Pagtatanggi ko sa alok niya. Ayaw ko namang maka estorbo noh.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Simula kasi no'ng magkapareho na ang schedule namin ay palagi niya na akong hinahatid sa'min. Though, nagpapasalamat naman ako sa offer niya dahil bukod sa naka save na ako ng pamasahe, feeling ko rin hindi na ako mag-isa tuwing umuuwi na ako. Paano ba kasi, parang nasanay na yata ako na palagi akong hinahatid ni Flynn dati.

Napabuntong hininga ako ng sumagi na naman siya sa aking isipan.

"Sige na, Nicz! Ayaw mo no'n kaka-save ka ng pamasahe?" Pangungulit niya pa.

Naglalakad na kami palabas ng restaurant. As usual dito kami sa likod dumaan.

"Oo nga, Nicz! Para save kana sa pamasahe." Sabat naman ni Via na nagpataas ng kilay ko. Kailan pa 'to dumating sa likuran namin?

"And... don't you want to bond with me?" Dagdag naman ni Beau.

Napailing nalang ako at napa-irap. Ang kulit talaga ng isang 'to!

"Oo, sige na nga!" Pagpayag ko na lang. Ang kulit eh!

"Yesss!" Masayang wika ni Beau.

"Beau... Ahm, ako... Pwede ba akong makisakay sa inyo?" Biglang tanong ni Via na nagpatigil sa aming maglakad.

Andito na kami sa labas ng locker room. Ang ibang kasamahan namin ay dumadaan sa gilis namin papasok ng locker room. Hinarap namin si Via na kanina ay nasa likod namin.

"Ahm, kung pwede lang naman. Hihi okay lang din kung hindi pwede." Parang nahihiyang sabi niya.

Tinignan ko lang si Beau. Hinihintay kong siya ang sumagit dahil siya naman ang may-ari ng sasakayan kaya dapat siya rin ang sumagot kay Via. Tumingin din pabalik si Beau sa akin na para bang nanghihingi siya ng pirmeso sa'kin. Napakunot ang noo ko.

"Okay lang ba, Nicz?" Tanong niya sa'kin.

Mas lalong nalukot ang mukha ko. Bakit sa'kin niya tinatanong 'to?

"Huh? Bakit ako ang tatanongin mo? Sasakyan mo naman 'yan! Ikaw ang may karapatang sumagot kay Via."

"Ah, o-okay lang. H'wag na l-lang." Nauutal na sagot ni Via.

Mabilis akong napabaling ulit sa kanya. Namumula ang mukha ni Via at kitang-kita sa pagmumukha niya ang pagkakapahiya.

"Beau! sagutin mo na ang tanong ni Via!" Mariin ngunit halos pabulong kong sabi kay Beau.

Nakatingin naman si Beau sa'kin na para bang nanghihinayang. Napaismid ako. Anong nangyayari sa isang 'to? Narinig ko siyang bumuntong-hininga ako lumingon kay Via.

"Alright, it's fine." Beau shrugged his shoulders. "You can come with us. Saan ba ang sa inyo?" Tanong niya kay Via.

Nakita kong napakagat labi si Via at mas lalong namula ang kanyang pisngi. Kinikilig ba siya? Oh my gosh! Don't tell me may gusto siya kay Beau?

Well, hindi naman imposible na mayroong magkagusto kay Beau. He has the beauty inside and out. Mukha lang siyang masungit sa una. Pero kapag makikilala mo na siya personally, you can say na mabait at may pagka-makulit din ito. Sinagot ni Via si Beau at sinabi niya kung saan siya nakatira. Dumiretso na muna kami sa locker room. Mabilis akong nagbihis ng isang simpleng kulay rosas na tee shirt at white shorts.

"Via, tara na? Asan na si Beau?" Tanong ko kay Via ng makita ko siyang naka-upo sa may living area.

Ando'n din ang ibang kasamahan namin naka-upo at may iba't-ibang ginagawa. Lumingon si Via sa akin at sumagot.

"Nasa locker niya pa ata, Nicz. Ahm, sure ka bang okay lang na makisakay ako sa inyo?" Tanong ulit ni Via.

"Kung ako ang tatanongin mo, ay oo and isasagot ko. Bakit naman hindi diba? At saka ang may-ari na mismo ng sasakyan ang um-oo kaya wala 'yong problema." "Ahm.. Nicz, may itatanong sana ako sayo. Okay lang ba?" Biglang tanong ni Via. Umupo muna ako sa tabi niya habang hinihintay namin sa Beau. "Sure, ano 'yon?"

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Boyfriend mo ba si Beau?" Diretsong tanong niya.

Nalukot ang mukha ko dahil do'n. "Huh? Hindi ko siya boyfriend 'no!" Agad kong sagot sa kay Via."Saan naman nanggaling ang tanong mong 'yan?"

Sasagot na sana si Via ng bigla na lang akong tinawag ni Beau. Nakatayo na siya sa gilid namin ngayon.

"Nicz, let's go?" Tanong niya ng nasa harapan na namin siya.

Tiningala ko siya at tinaguan. Liningon ko muna si Via sa tabi ko bago tumayo.

"Tara na, Via." Pag-aaya ko sa kanya. Tumayo naman si Via kasabay ko.

"Sure ba kayong okay lang?" Nag-aalangan niyang tanong. "Baka kasi maka-istorbo ako sa inyong dalawa." Nahihiyang dagdag niya.

Mahina akong natawa. Mukhang nay gusto nga ata si Via.

"It's fine, Via. Let's go." Sabi naman ni Beau sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay ni Via at kinuyog ko na siya palabas. Nakasunod lang si Beau sa aming likod.

"Crush mo si Beau 'no?" Bulong ko kay Via.

Mabilis siyang napabaling sa akin at nanlalaki ang mga mata niya. Napangisi ako sa reaksyon niya.

"Hoy, Nicz! Anong sabi mo? Hindi ah!" Mariing tanggi ni Via.

Nginisian ko lang siya at inilingan. Hindi tatalab sa akin ang pag tanggi niya 'no. Babae din ako, kaya alam ko.

Nang may maisip ako ay nilingon ko si Beau sa aming likuran. Naglalakad na kami ngayon at papalapit na kami sa parking lot.

"Beau, halika nga rito!" Tawag ko sa kanya sabay lakad papalapit dito. Hinawakan ko ang kamay niya at kinuyog ko siya papunta kay Via.

"Why?" Naguguluhang tanong ni Beau sa'kin.

"Wala ka bang girlfriend, Beau?" Tanong ko sa kanya.

Natigilan si Beau sa tanong ko. Tumaas ang isang kilay niya, halatang hindi inaasahan ang sinabi ko sa kanya. Kapagkuway bigla nalang itong napanguso na para bang nagpipigil na mangiti.

"I don't have a girlfriend. Why? Gusto mo ba?" Bulong ni Beau sa tenga ko.

Lumaki ang mga mata ko. Ako naman ang natigilan ngayon. Hindi lang iyon dahil sa sinabi niya, pati na rin sa ginawa niya.

Hinila niya ako papalapit sa kanya gamit ang kamay ko, na nakahawak sa kamay niya kanina. Nang dahil sa ginawa niya ay nagkadikit ang mga katawan naming dalawa. Ang mga kamay niya ay nasa magkabilang bewang ko, habang ako naman ay nakahawak sa may dibdib niya.

Nanlalaki ang mga mata ko. Lalo na nang marinig ko ang pagtikhim ng kung sino sa likuran ni Beau.

"Excuse me, you are both blocking the way."

Nanigas ako nang mapagtanto ko kung sino ang may-ari ng boses na 'yon. Kapagkuway mabilis kong itinulak si Beau at pumunta sa gilid para hindi namin maharangan ang daan. Pinandilatan ko si Beau dahil sa ginawa niya. Pero ang gungong ay nginisian lang ako!

"Sorry, Sir." Nahihiyang hingi ko nang paumanhin kay Flynn.

Hindi ako makatingin ng diretsu sa kanya, pero ramdam ko ang mariing titig niya.

"It's fine. Just don't block the pathway next time." Malamig niyang sabi at umalis na.

"Good bye, sir." Narinig kong pagbati ni Via sa kanya.

"Good bye, Via. Mag-iingat ka sa pag-uwi." Malumanay niya namang sagot dito, na nagsanhi ng konting kirot sa puso ko.

No. Hindi lang pala ito konti, kasi malaki pala ang sakit na naidulot nito sa puso ko.

To be continued...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.