Chapter 8
Chapter 8
ANO BA ‘tong ginagawa ko? Naisaloob ni Dean habang pinagmamasdan ang nakapikit na si Selena.
She was kissing him back with tears in her eyes. Dapat ay pakawalan niya na ang dalaga kaysa
tuksuhin pa ito, kaysa udyukan pa itong makagawa ng kasalanan sa kapatid niya.
Dahil bago pa man dumating si Dean sa buhay ni Selena ay nakaplano na itong ikasal sa kapatid niya.
Hindi man ang dalaga at si Adam ang mismong may plano niyon ay nakasisiguro siya na matutuloy pa
rin iyon dahil halos kilala niya na rin ang mga magulang ni Selena lalo na ang ama nito. Alam niyang
igigiit ng huli ang gusto para lang maprotektahan ang kompanyang minana nito at para mas palakasin This text is property of Nô/velD/rama.Org.
pa ang kapangyarihan at mga koneksyon ng mga ito. Kung kay Adam maikakasal si Selena ay
masisigurong mapapanatili ang estado sa lipunan ng bawat miyembro sa pagitan ng dalawang
maimpluwensiyang pamilya.
Ipilit man ni Dean ang gusto niya ay sino lang ba siya? Isa lang siyang ampon sa paningin ng lahat.
Dapat ay nadala na siya sa nangyari sa mga magulang niya. Pero heto siya ngayon. Dapat ay inihatid
niya na lang ang dalaga sa townhouse nito pagkatapos ay lumayo na ng husto rito. Pero hindi niya
mapilit ang sarili na gawin iyon. Lalo na ang puso niya na sa dinami-rami ng pagkakataon ay para bang
ngayon pa napiling magrebelde.
Dahil missed na missed na ni Dean si Selena. Mabilis niyang nakasanayan ang pagtawag rito noong
magkaibigan pa sila. Ang pagtawag rito tuwing umaga para marinig ang malambing na boses nito ang
isa sa mga bagay na inaabangan niya. Iyon ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para sa buong
araw. At ang pagtawag rito sa gabi ang siya namang nag-aalis sa maghapong pagod niya.
But then the kiss happened and he couldn’t force his self to call her again, kahit gaano niya pa
gustuhin. Dahil ayaw niyang mailang sa kanya ang dalaga. Pero aaminin niyang siya man ay sandaling
na-distract sa ginawang paghalik kay Selena. Nagawa niyong ipalimot sa kanya ang pangarap na
pagtakas sa lahat ng iyon.
Dahil sa halik na iyon, mali man ay inasam ni Dean na manatili na lang sa kung saan malapit ang
dalaga. Nang tumugon ito sa halik niya, ipinaramdam nito sa kanya na kahit paano ay patas pa rin ang
mundo sa isang tulad niya.
And now that she was kissing him back again, he felt like she was making things right for him again. At
alam niyang sa pagkakataong ito ay lalong magiging imposible na malimutan niya ang dalaga lalo na
ang halik na iyon. Hindi si Selena ang unang halik ni Dean. May mga nauna na rito. But kissing her
makes him feel like it was the first time he ever kissed someone. Ang mga malalambot at matatamis na
labi nito, ang mahinang pag-ungol nito, ang lahat-lahat ng tungkol rito ay para bang may taglay na
mahika na tumatagos sa kanyang puso.
Mabuti na lang at hindi pa umalis si Dean sa restaurant kanina. Mabuti na lang at siya ang kasama ni
Selena ngayon. Dahil sa gabing iyon, sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto niyang iparamdam sa
dalaga ang presensiya niya hindi bilang isang kaibigan kundi bilang isang lalaki na nagmamahal rito.
Gusto niyang iparamdam rito na hindi lang si Adam ang may kakayahang makapagpasaya rito… siya
rin. Kaya niya itong mapasaya. At sa piling niya, hinding-hindi ito masasaktan.
Gusto niya nang lumaban. Gusto niya nang manindigan para sa pag-ibig, para sa kasiyahan na
matagal na panahon niya na ring ipinagkakait sa sarili. Gusto niyang bigyan rin ng pagkakataon si
Selena para may mapagpilian… para may ibang mapagtuunan ng pansin maliban kay Adam.
Gusto niyang si Selena ang mismong magpasya ng tama o mali. Gusto niyang dito mismo manggaling
kung titigil na ba siya o hindi. Ipapaubaya niya rito ang desisyon. Kung sasabihin nitong sumuko at
tumigil na siya, titigil siya, gaano man iyon kahirap. Susuko siya, gaano man iyon kasakit.
Bahagyang humiwalay si Dean kay Selena. Idinikit niya ang noo sa noo nito. “Hindi pala assurance na
por que sinunod mo ang sinasabi ng isip mo, tama na ang magiging desisyon mo. Bakit ako? I followed
my mind and I tried to avoid you.” Halos pabulong na sinabi niya. “But it didn’t feel right. It never felt
right.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Selena, noon pa, mahal na kita. Mahal na mahal kita. Iyon ang ibig kong sabihin.”
“THE GUY is in love with you, idiot.”
“But that can’t happen!” Ani Selena nang makabawi sa pagkabigla. “Ikakasal na ako sa kapatid niya. At
alam mong mahirap sumuway sa mga magulang ko, Chynna. Lalo na kay daddy. Minsan na akong
pinagbigyan ni daddy sa career na pinili ko. Pero pagdating sa relasyon namin ni Adam, gustuhin ko
mang sumuko, alam kong hindi ko na siya madaling mapapapayag. Maswerte na nga lang ako at
nagkataong mahal ko si Adam-“
“Noon, Selena. Mahal mo si Adam noon. Dahil kung mahal mo pa rin siya ngayon, hindi ganyan ang
mga sasabihin mo sa akin. You should have told me instead that you don’t love Dean. Period. Pero
imbes na iyon ay nag-alala ka na kaagad tungkol sa posibleng pagsuway mo sa mga magulang mo.”
Inabot ni Chynna ang palad ni Selena. Magiliw itong ngumiti. “Kung tatanungin ba kita uli ngayon kung
sino ang mahal mo at sasabihin ko sa ‘yo na huwag mo na munang isipin kung ano ang tama at mali,
kung ano ang bawal sa hindi, ano ang isasagot mo? Kaninong pangalan ang sasabihin mo?”
Habang pinagmamasdan si Dean ay ang mga salitang iyon ni Chynna ang paulit-ulit na naglalaro sa
isipan ni Selena. Kaninong pangalan nga ba ang sasabihin niya?
Hindi niya pa rin sigurado. Mahirap pumili. Natatakot si Selena na baka aksidenteng maging basehan
niya ang katatapos lang nilang pagtatalo ni Adam at ang sakit na pinagdaanan niya rito. Gusto niya na
kung pipili man siya ay dahil iyon talaga ang isinisigaw ng puso niya. At sa oras na makapili na siya,
bahala na. Pero gagawin niya ang lahat para ang sariling desisyon niya naman ang masunod. At hindi
ang sa kanyang ama o kung kanino man.
Ikinulong ni Selena ang mga pisngi ni Dean sa kanyang mga palad. “Masaya akong malaman na
mahal mo ako, Dean. I was just hurt to know that during those times that I was crying for someone
else, you were there by my side to see those things. Nasasaktan ako sa kaalamang nasasaktan na kita
noon pa. Dahil ayaw kitang masaktan. Mahalaga ka sa akin. That’s the only thing I can say right now.”
Marahang hinagkan niya sa noo ang binata. “Masaya ako na kasama ka ngayon. Masaya ako na
nakita kita. Masaya ako na nang tumakas ako palayo sa sakit, naroon ka. Masaya akong tumakas na
kasama ka. I’m happy to know that just like before, you were there to rescue me. Kakailanganin ko pa
ng panahon bago sumagot. Maibibigay mo ba?”
Masuyong ngumiti si Dean. “Hindi naman ako naghahangad na sabihin mong mahal mo rin ako.
Masyadong mataas ang bagay na ‘yon para hangarin ko. Besides, when I say I love you, it doesn’t
mean that you have to say you love me, too, Selena. Dahil hindi naman ako humihingi ng gano’n.
Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig sabihin niyon, nandito ako. Huwag kang matakot. Dahil hindi ka
nag-iisa. Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig sabihin niyon, pwede mo akong maging sandalan, na
nandito lang ako kapag kailangan mo ako, ang ibig sabihin niyon, maaasahan mo ako. Ang ibig sabihin
niyon, anuman ang mangyari, ikaw lang ang nasa puso ko.”
Hinawakan ni Dean ang mga kamay ni Selena at hinagkan. “Masaya akong malaman na kahit paano
ay napasaya kita. At masaya rin ako na nang sumugal ako at umamin sa ‘yo, humiling ka ng panahon.
That’s more than the answer that I want to hear. Dahil ibig sabihin, you will reconsider. Anuman ang
maging sagot mo sa mga susunod na araw, tatanggapin ko. Ang gusto ko lang naman, sa kauna-
unahang pagkakataon sa buhay ko ay iba ang magdesisyon para sa akin, para sa puso ko. And I want
that to be you, Selena. I love you. I love you so much. And I want you to decide whether I should hold
on or let go. Kaya hihintayin kita. Hihintayin ko ‘yong sagot mo maging anuman ‘yon.”
Hindi na nagawang makapagsalita pa ni Selena. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa mga sinabi ni
Dean, sa emosyon na ngayon ay malinaw niya nang nababasa sa mga mata nito. Muli siyang
napaluha. Niyakap niya ang binata. Agad naman itong gumanti ng mas mahigpit na yakap. Sa kabila
ng lahat ay napakaswerte niya pa rin. Napakaswerte niya dahil may isang tulad ni Dean na
tumatanggap pa rin ng buo sa puso niyang paulit-ulit nang nababasag.
Mula’t sapul ay bigay na lang nang bigay si Dean. Puro pagbibigay ang ginagawa nito hindi lang sa
kanya kundi pati na rin kay Adam. At sa puso niya, umaasa siya na sana isang araw ay ito naman ang
makatanggap. Because Dean had been giving for far too long. And he deserved to at least receive
something in return.