Chapter 19
Chapter 19
“IS SOMETHING bothering you, sweetheart?”
Mula sa kalangitan ay nagbaba ng tingin si Selena. Bumaling siya kay Adam. Agad na gumuhit ang
ngiti sa mga labi niya nang makitang mayroon itong dalang life-size teddy bear. Tinotoo ng binata ang
sinabi nito pagkagising niya mula sa comatose na babawi ito sa kanya.
Adam had become everything she had dreamed for him to be. Naging napakamaalaga nito,
maalalahanin at mapagmahal. Ni hindi lubos akalain ni Selena na may romantic bone pala ang binata
sa katawan. Parati itong nasa tabi niya. Siguro ay dapat niya ring ipagpasalamat kahit paano ang
pagkakaroon niya ng amnesia dahil sa naging pagbabago ni Adam.
Kahit ang kanyang ama ay napaka-attentive na rin sa kanya ngayon sa pagkagulat niya. Mula nang
lumabas siya ng ospital ay para na siyang babasaging kristal kung ituring nito. Naglalaan na ito ngayon
ng oras para sa kanila ng ina. May mga pagkakataon pang ipinasusundo sila nito ng ina sa mga
tauhan nito papunta sa yate kung saan ito nag-arranged ng dinner para sa kanilang tatlo.
Araw-araw rin ay nakatatanggap ng mga bulaklak ang ina mula sa ama at stuff toys naman para kay
Selena o ‘di kaya ay mga mamahaling damit o alahas. At natutuwa siya sa hindi inaasahang
pagbabago ng ama pero ipinagtataka niya ang napapansing kalamigan ng ina rito.
Masaya siya sa mga pagbabago na nangyayari sa buhay niya. Nasa kanya na ang lahat. Ano pa ba
ang mahihiling niya? Pero sa kabila niyon ay hindi niya maunawaan ang kung anong kahungkagan sa
kanyang dibdib. Parang may kulang pa rin na hindi niya matukoy kung ano. Para siyang may
hinahanap. At hindi siya mapakali dahil doon.
Ayon sa ina ni Selena ay halos dalawang taon na raw ang lumipas simula nang naaalala niyang
twenty-fifth birthday niya. Ibig sabihin ay marami nang nagbago. Pero ano? Sa tuwing tinatanong niya
naman ang mga magulang o si Adam ay wala naman raw gaanong nagbago. Ganoon pa rin daw ang
lahat.
Ayon rin sa mga magulang niya ay nabangga ang kotse na kinalululanan niya kaya siya naaksidente.
Pero siniguro ng mga ito sa kanya na bago iyon ay maayos naman daw ang lahat sa buhay niya. Na-
postponed nga lang ang kanilang kasal ni Adam.
Kasal… For some reason, thinking about it brought some tension into her nerves. Ano bang nangyayari
sa kanya? Siguro ay dala lang iyon ng kakulangan niya ng alaala kaya pakiramdam niya ay mayroong
napakalaking nawawala sa kanya. Iyon lang naman ang posibleng maging rason.
Nang ulitin ni Adam ang tanong nito ay saka lang nahinto sa pag-iisip si Selena. Sinikap niyang ngumiti
rito. “Wala ‘to. Wala namang problema. It’s just that… there are times that I feel like I’m in a place
where I’m not supposed to be.” Mayamaya ay kinindatan niya ito. “Pero ‘wag mong sasabihin ‘yon kina
mommy at daddy, ha? Baka sumama ang loob nila. Secret lang natin ‘to.”
Ilang sandaling pinagmasdan lang siya ni Adam bago siya nito bigla na lang niyakap. “I’ve missed that
side of you so much, Selena.”
“Bakit naman?” Napapangiti pa ring tanong niya. “Nagbago ba ako?”
“Yes. A lot.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Selena. “Anong ibig mong sabihin?”
Muli ay natahimik si Adam. Ilang minuto ang lumipas bago ito nagsalita. “Wala naman. You just…
became the woman that I thought I was going to lose forever. Tinakot mo ako ng husto. Lalo na nang
maaksidente ka. Na-missed kita ng sobra-sobra, Selena. At mahal kita. Ang dami nang nangyari but I
still feel the need to tell you that.” Emosyonal na dagdag ng binata. “I love you. I love you so much,
sweetheart.”
Simula nang magising si Selena ay parati niya nang naririnig ang mga salita ng pagmamahal mula kay
Adam pero hindi pa rin siya sanay. Ganoon pa man ay nagpapasalamat siya sa bagay na iyon.
Gumanti siya ng yakap sa binata.
“Will you tell me that you love me, Selena? Dahil kailangan kong malaman. Kailangan kong marinig
mula sa mga labi mo kahit ngayon lang na mahal mo pa rin ako… na ako pa rin dyan sa puso mo.”
Ngayon lang napansin ni Selena na puro pala siya ngiti at pasasalamat sa tuwing nag-I love you sa
kanya ang nobyo samantalang datirati ay natatandaan niyang siya ang kusang nagsasabi niyon sa
binata.
“Silly.” Mayamaya ay wika na lang niya. “Ano bang sinasabi mo? Of course, it’s still you, Adam. Ikaw
lang naman parati. I love you, too.”
Mayamaya ay natigilan si Selena. Bakit ganoon? Nang sabihin niya ang mga salitang iyon pakiramdam
niya ay… iba ang sinasabi ng puso niya? Pero ano nga ba ang sinasabi nito? Bakit simula nang
magising siya, pakiramdam niya ay hindi niya na gaanong kilala ang sarili? Lalo na ang puso niya?
“WALA akong pamilyang maihaharap sa ‘yo. Wala akong maipagmamalaki. Nagmula ako sa isang
napakayamang pamilya pero hindi ako kabilang sa yaman nila.” Parang kinakabahan na natawa ang
estranghero. “Kung tutuusin, para lang akong tagasunod sa palasyo nila, para lang akong tagasunod
ng isang prinsipe na siyang mas nababagay sa ‘yo. I’m just me, Selena. Pero mahal kita. Nang sobra-
sobra.
“You deserve the world. And believe me, nangangarap ako na isang araw ay maibibigay ko iyon sa ‘yo This belongs © NôvelDra/ma.Org.
gaano man kaimposible iyong pakinggan. But for the meantime, pwede bang ang puso ko na muna
ang ialay ko sa ‘yo? You can include my body and soul, too. Selena,” Lumuhod ang estranghero sa
kanyang harapan kasabay ng paglalabas nito ng isang singsing. “Will you let me take care of you and
love you for the rest of our lives?”
Mabilis na napadilat si Selena. Hinihingal na bumangon siya. Ano na naman ba ang ibig sabihin niyon?
Sa nakalipas na mga araw ay parati siyang may mga napapanaginipan. Pero paggising niya ay hindi
na niya tanda pa ang boses ng nagsasalita roon. Kadalasan sa mga panaginip niya ay may kasama
siyang estranghero pero hindi malinaw sa kanya ang mukha nito. Ang malinaw lang sa kanya ay iyong
saya na nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ito.
Napahawak si Selena sa kanyang noo. Imposibleng si Adam iyon. Dahil hindi ganoon ang reaksyon ng
puso niya sa tuwing kasama ang kanyang fiancé. Pero kung ganoon ay sino iyon? Bakit niya ito
napapanaginipan? Totoo ba na nangyari iyon o sadyang isang panaginip lang iyon? Pero bakit paulit-
ulit ang mga panaginip na iyon? Ano ba ang talagang nangyari sa kanya sa nakalipas na halos
dalawang taon ng buhay niya?
Marahas na napabuga si Selena ng hininga bago pinilit ang sariling bumalik na sa pagkakahiga. Muli
niyang ipinikit ang mga mata pero sa kung anong dahilan ay ang mukha ni Dean ang naglaro sa isipan
niya. Napadilat siya. Dean…
Isang beses sa isang linggo kung dumalaw kay Selena si Dean sa mansyon ng kanyang mga
magulang. Sa tuwing nakikita niya ang binata, iba’t ibang emosyon ang lumulukob sa kanya. Para
siyang nasasaktan na hindi niya maintindihan. Pero sa kabila ng sakit ay masaya siya. Masaya siyang
nakikita ito. At hangga’t maari ay gusto niya sanang parating nakikita ang binata.
Ilang beses niyang ginusto na siya naman ang dumalaw kay Dean pero nakahiyaan niya na. Ano
naman kung sakali ang sasabihin niya sa binata lalo pa at nalaman niya na hindi na pala ito executive
assistant ni Adam? Wala siyang excuse.
Bukod pa roon ay nahihiya rin si Selena kay Adam na halos araw-araw niya nang kasama. Paano niya
ipaliliwanag rito ang nararamdaman, lalo na ang kagustuhan niyang makita ang kapatid nito? Malinaw
na isang malaking pagkakasala iyon dahil engaged na siya kay Adam.
Tinapik-tapik ni Selena ang dibdib. Dear heart, ano ba ang gusto mong palabasin?
Nang hindi na mapigil ang sarili ay bumangon siya. Napatingin siya sa digital clock sa bedside table.
Mag a-ala una na ng madaling araw. Inabot niya ang kanyang cell phone. Posibleng natutulog na si
Dean at maaabala niya ito pero hindi niya na mapigilan ang sarili. Kailangan niyang marinig ang boses
nito.
Idinayal ni Selena ang numero ni Dean. Ibinigay nito sa kanya ang numero nito noon pang mga
nakaraang bwan pero ngayon niya lang ito nagawang tawagan. Tinapik-tapik niyang muli ang dibdib
habang hinihintay na sumagot ang binata. Please pick up the phone. Please, Dean.
“Hello, Selena?”
“Dean!” Relieved na sinabi ni Selena nang marinig ang baritonong boses na iyon. “I know it’s late and
I’m sorry-“
“It’s okay. Hindi pa naman ako natutulog. Bakit napatawag ka?”
“Bakit hindi ka pa natutulog?” Sa halip ay ganting-tanong ni Selena.
“I was thinking about someone.”
“Sino?”
“The woman that I love.”
Natigilan si Selena. Bakit… bakit parang hindi katanggap-tanggap para sa kanya ang narinig?
Tumikhim ang binata. “So why did you call?”
“Dean, can I…” Sandaling nakagat ni Selena ang ibabang labi bago lakas-loob na nagpatuloy. “Can I
see you right now?”