Don't Let Me Go, Diana

Chapter 4



Chapter 4

MARIING naipikit ni Alexis ang mga mata. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya,

nakaramdam siya ng hindi niya mapaniwalaang katiwasayan sa yakap ni Diana. At ang sincerity na

narinig niya sa boses nito ay may kung anong init na hatid sa puso niya.

Si Manang Renata lang ang madalas makaalala at bumati sa kanya tuwing birthday niya. Ngayong

araw, may nadagdag sa nag-iisang nakalistang pangalan ng taong nakaka-appreciate na buhay siya.

Hindi niya inaakalang si Diana pa iyon. Tumaas-baba ang dibdib niya sa pagragasa ng halo-halong

emosyon sa sistema niya. Hindi siya emotional. Pero sa ganoong mga pambihirang pagkakataon tulad

ng birthday niya, pasko, o bagong taon, may kung anong sakit pa rin na nagpapahina sa pagkatao

niya.

Sa ganoong mga okasyon, habang ang kadalasang mga birthday celebrants ay umiihip ng kandila sa

cake ng mga ito, siya ay nagtitirik ng kandila para sa sarili. Pakiramdam niya, ang mismong araw na

ipinanganak siya ay ang mismong araw din ng kamatayan niya. Dahil iyon ang simula ng kalbaryo niya

sa buhay, sa mundo.

Halos buong buhay niya ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magsuot ng maskara. At habang

nagkakaisip siya ay hindi niya na hinayaang maalis ang maskarang iyon sa kanyang mukha sa takot

na mabuko ng mga nakapaligid sa kanya na isang pagpapanggap lang ang lahat... mula sa ipinapakita

niyang katapangan hanggang sa ipinalalabas niyang katigasan.

He was too afraid to take off the mask and reveal his heart. Dahil wala namang pakialam ang mundo

sa nararamdaman niya. Wala naman iyong pakialam sa pinagdaraanan niya. Walang nakaunawa sa

kanya noong musmos siya. Walang nagtangkang alisin ang kanyang maskara. Paano pa kaya

ngayong bente-tres na siya? Paano pa kaya ngayong masyado na siyang maraming kabalbalang

nagawa para isipin pang alisin ang kanyang maskara?

"Gusto kitang maintindihan, Alexis. Help me do that, please." Ani Diana sa boses na punong-puno ng

pagsuyo. Pagsuyong halos hindi mapaniwalaan ni Alexis na para sa kanya dahilan kung bakit

napadilat siya.

Tumatanggi man ang puso niya ay bahagyang inilayo niya ang dalaga sa kanya. Pinakatitigan niya ito.

Namangha siya sa nababasang sincerity sa mga mata nito. The senator looked at him with pure

hatred, his mother with pure regret, Manang Renata with pity, women with lust, while some with

judgment. Nakasanayan niya na ang ganoong paraan ng pagtingin sa kanya ng mga tao. Iyon ang

dahilan kung bakit wala siyang naging totoong kaibigan.

Sa oras na may aksidenteng nalalaman ang mga tao tungkol sa kanya ay nakikita niya sa mga mata

ng mga ito ang pinakaayaw niyang makita: ang awa. Ang simpatya. Dahil lalo lang siyang

nakararamdam ng rejection. Iyon ang dahilan kaya niya pinuntahan si Diana. Dahil ayaw niyang

makasalubong ito na may bakas ng awa sa anyo. Kaya dinoble niya ang pagkapit sa kanyang

maskara. Dinoble niya ang pagpapanggap. Gusto niyang ipakita rito na sa kabila ng mga posibleng

nalaman nito tungkol sa kanya, hindi pa rin iyon nakabawas sa pagkatao niya.

But he looked at Diana and he saw compassion, hope, and honesty in her eyes. Paano nangyari iyon?

"Why would you bother, Diana?"

"'Yan din ang tanong ko sa sarili ko. Why would I bother?" Matipid na ngumiti si Diana. "Samantalang

alam ko naman na malabo kang mag-open up sa akin. Hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako. Hindi

naman dapat. Sino ba ako at sino ka ba para maramdaman ko 'to? Pero hindi ko mapigilan. I've

experienced my fair share of suffering as well and I normally don't care anymore."

Bumuntong-hininga si Diana. "Hindi ko alam. I guess it's safe to say na nakikita ko sa 'yo 'yong sarili

ko. Nagtatago. You're afraid to let anyone see that deep inside, you're not okay. Posibleng magkaiba

ang mga dahilan natin sa pagtatago. Pero halos iisa pa rin tayo ng pinagdaraanan. Hindi ba minsan

parang... nakakapagod rin magtago? Na magsuot ng maskara? Don't you wish to be... found? To be

freed from the mask?"

Napaatras si Alexis. Bigla, pakiramdam niya ay hubad siya sa mga mata ni Diana. Para bang malinaw

siyang nakikita nito. Para bang malinaw nitong nakikita ang mga pinakatago-tago niya. At nakaramdam

siya ng takot sa bagay na iyon. Tuluyan na siyang lumayo sa dalaga pagkatapos ay parang hinahabol

ng kung ano na tinalikuran ito.

Ayaw niyang may makakita ng tunay na siya. Dahil nangangahulugan iyon na makikita nito ang lahat

ng mga kahinaan niya. Ang maskara na lang ang mayroon siya. I don't want to be found. I don't want to

be freed, Diana. Dahil likas na hindi makuntento ang mga tao. Napatunayan niya iyon sa kanyang mga

magulang. Natatakot siyang may makatagpo sa nawawalang puso niya. Natatakot siyang may

magpalaya sa kanya sa hawla ng kadilimang kinaroroonan. Natatakot siyang kumapit sa isang tao

pagkatapos ay mawawala rin ang taong iyon sa oras na ma-realize nito na kapos ang mga bagay na

handa niyang ialay manatili lang ito sa kanyang tabi. Gaya ng kanyang ina.

Sinubukan niyang magsikap sa pag-aaral noon. Sinubukan niyang magpakabuti hanggang sa

mapagod na siya sa pag-iisip na isang araw ay makukuntento ang ina sa kanya at mananatili na lang

sa tabi niya. Pero hindi iyon nangyari. Patuloy pa rin ito sa pag-alis papunta sa kung saan-saang

lupalop ng mundo.

Bumabalik ang kanyang ina pero patuloy pa rin siyang iniiwan na para bang isang laruan lang siya

kung ituring, na kung kailan nito maalala ay saka nito babalikan at uuwian. Pero ni hindi nito

kukumustahin man lang. Kunsabagay, kailan nga ba naman kinumusta ang lagay ng isang laruan?

Gamit lang iyon.

Sinubukan niya ring magpakatino para sa senador. Minsan sa buhay niya ay ginawa niya ang lahat ng

mga ikasasaya nito hanggang sa mapagod na siya pagtungtong niya sa ikaapat na taon ng

sekondarya. Umasa siyang isang araw ay mapapansin rin nito, na kikilalanin rin nito sa publiko, na

hahanguin siya mula sa pagiging bastardo. Pero malupit ito. Ni ang magtapon ng panahon sa kanya

kahit isang oras para iparamdam na mag-ama sila ay hindi nito ginawa.

Ayaw niya man ay sumagi pa rin sa isip niya ang mga panahong sama-sama silang naghahapunan

isang beses kada isang buwan noon. Sasaglit lang sa kanila ang senador pagkatapos ay magkukulong

na ito sa kwarto kapiling ang kanyang ina. Hindi ito mangungumusta. Hindi ito magtatanong.

Magbibigay na lang ito ng pera na para bang doon na nagtatapos ang obligasyon nito sa kanila ng

kanyang ina na itinakwil ng sariling pamilya nang matuklasan ang ipinagbabawal na relasyon nito sa

senador. Ni hindi siya nabigyan ng pagkakataong makilala ang kanyang mga lolo at lola sa

magkabilang partido.

Natatakot na siyang umasa at pagkatapos ay lalong malugmok at makulong sa kadiliman. Hindi siya

binigyan ng mundo ng pagkakataon na makaramdam ng anomang positibo. Kaya hindi niya

makakayang tanggapin ang iniaalok na liwanag ni Diana.

Hindi siya kailanman maghuhubad ng maskara.

"HINIWALAYAN mo na ba siya?"

Napayuko si Miranda nang sa halip na iabot ng ama ang palad nito sa kanya para sa tangka niyang

pagmano ay ang mga salita nitong iyon ang ibinungad nito sa kanya. Gaya nang dati ay matigas pa rin

ang anyo at boses nito.

Buwan-buwan, wala siyang palya sa pagdalaw sa mga magulang, umaasang isang araw ay

magagawa rin siyang matanggap ng mga ito. Parati siyang hindi pinatutuloy ng mga ito sa kanilang

bahay. Ni walang tinatanggap ang mga ito sa mga pasalubong na ibinibigay niya. At madalas, iilang

salita lang ang naririnig niya mula sa mga magulang gaya nang kasalukuyang tanong sa kanya ng

ama.

"Hindi ho, 'Tay. Hindi ko kaya." Mahinang sagot ni Miranda.

"Kung ganoon ay kayanin mo ring hindi na kami makita pa ng Nanay mo. Huwag ka nang babalik pa,

Miranda. Dahil sa susunod, sinisiguro ko sa 'yo na kahit ang kausapin ka nang ganito ay hindi ko na

magagawa. Napapagod na kami ng Nanay mong hintayin na matatauhan ka pa."

Mapait na natawa si Miranda sa naalala. Humahapay-hapay na pumasok siya sa kanyang bahay

matapos siyang pagbuksan ng pinto ni Renata. Pabagsak na naupo siya sa sofa.

Nahihilo man dahil sa mga nainom na alak sa bar kung saan siya dumeretso matapos magpunta sa

bahay ng mga magulang, hindi pa rin nakatakas sa kanyang paningin ang kadarating lang din na anak.

Pero ni hindi siya nito tinapunan man lang ng sulyap. Paakyat na ito sa hagdan nang tawagin niya.

"Hey, Alexis," Bahagya pang nabubulol na sinabi ni Miranda. "Come here."

Parang napipilitan lang na nilingon siya ng anak. Ilang sandaling tinitigan siya nito pagkatapos ay kunot

ang noong nilapitan siya at naupo sa tapat ng sofa na kinauupuan niya kahit pa sa espasyo sa tabi

niya ito sinenyasang maupo. Mayamaya, sumilay ang ngiti sa mga labi ni Miranda. Napakagwapo

talaga ng kanyang anak. Nakuha nito ang kulay ng kanyang buhok, ang kanyang ilong, at ang kanyang

mga labi. Ang iba pang pisikal na aspeto ay namana na nito kay Alexander. Ito ang bunga ng kanyang

ipinagbabawal na pagmamahal.

"Mukhang nadagdagan ang listahan ng mga paborito mong lugar. Dati sa casino, ngayon mukhang sa

bar. Wow, Miranda." Pinalakpakan siya ni Alexis. "Talagang ginagampanan mo nang mahusay ang

pagbubuhay-dalaga. You're doing it so well and with passion." Sarkastikong dagdag nito. "When will

you ever get tired of living a shit like this?"

"I should ask you the same." Malungkot na ngumiti si Miranda kahit pa sinakmal ng pait ang kanyang

puso sa narinig. Ipinaglaban kita sa mga magulang ko. Ipinaglaban kita sa lahat noong nasa

sinapupunan pa lang kita, Alexis. Pero bakit nang lumabas ka na, saka nawala ang katapangan kong

harapin ka? Saka ako nahiya na maging ina.

"That's progress. Finally, you noticed how I'm living my life. Congratulations. That's one step towards

motherhood."

Bahagyang napayuko si Miranda para itago ang pamamasa ng mga mata sa hindi maikakailang sakit

sa boses ng anak. Bakit ganoon? Kaya siya naglasing ay para makalimot kahit na sandali. Pero tila

nabalewala ang ilang bote ng alak na nasaid niya nang makausap ang kanyang anak. "I never wanted

to be a mother, Alexis." Mahina niyang sinabi. "I never wanted to be your mother."

Narinig niya ang pagsinghap ni Alexis. "Great! Happy birthday to me. Ngayon lang kita nakausap sa

birthday ko. At 'yang mga salita pang 'yan ang narinig ko mula sa 'yo. You really have no mercy,

Miranda."

Nagtaas lang ng mukha si Miranda nang marinig ang mga papalayong hakbang ng anak. Tuluyang

pumatak ang mga luha niya. "Hindi ko ginustong maging isang ina dahil hindi ako karapat-dapat para

doon, Alexis. You don't deserve a failure like me, son."

But of course, Alexis wouldn't hear those words anymore. Parati na lang silang nagkakasakitan ng NôvelDrama.Org holds © this.

anak. Puno ng pagsisising napatitig siya sa hagdan. "Patawarin mo ako, anak."

"KAHIT na ngayong araw lang, Diana, please. It's my birthday. Let your presence at the party be your

gift to me."

Napabuntong-hininga si Diana habang pinagmamasdan si Kurt na magdadalawang taon na rin halos

nanliligaw sa kanya. Nang mawala si Yves, nagsimula na itong magpahaging sa kanya. Sa

pagkakaalam niya, wala naman itong problema sa pandinig. Pero mukhang pagdating sa kanya ay

parati nitong kinakailangan ng hearing aid. Ilang beses niya na itong tinanggihan pero napakatigas ng

ulo nito.

Pilit na pinakikiharapan pa rin ni Diana si Kurt nang maayos pero nang dahil sa invitation nito nang

araw na iyon ay hindi niya maiwasang maging malamig dahil sa pagpupumilit nito. Hindi niya alam

kung bakit ito nagtitiyaga sa kanya samantalang gwapo rin naman ito. Sa katunayan, miyembro ito ng

varsity at alam niyang may mga babae ring naghahabol rito.

Nadala na siya sa paanyaya ni Kurt na minsan niyang pinagbigyan. Dumalo siya ilang buwan na ang

nakararaan sa wedding anniversary ng mga magulang nito. Pero pagdating niya doon, bigla na lang

nitong sinabi sa lahat ng mga naroroon na girlfriend siya nito. Masyadong presko ang lalaki. Minsang

pinagbigyan pero umabuso. Hindi na siya makapapayag na malagay uli sa isang alanganing

sitwasyon.

"I'm sorry, Kurt. But I already have plans for tonight." Pagsisinungaling na lang ni Diana, umaasang

kakagatin iyon ni Kurt at nang makakain na siya nang maayos. Inabangan siya ng lalaki sa labas ng

classroom kaya wala siyang nagawa nang sumabay ito sa kanya hanggang sa canteen. Nakapag-

order na siya't lahat ng pagkain at nakahanap na ng mesa ay nakasunod pa rin ito.

"Liar!" Mataas ang boses na sinabi ni Kurt. "Bakit hindi mo pa aminin ang totoo, Diana? Kayo na ba ng

Serrano na 'yon kaya ang lamig-lamig mo sa 'kin ngayon? Nakita kayo ng ka-teammate ko noong mga

nakaraang linggo na magkasama at nagyayakapan sa likod ng building n'yo! Ayoko sanang maniwala

pero hindi ko mapigilan lalo na't nagkakaganyan ka ngayon. Siya ba ang ipinagmamalaki mo? Ang

tarantadong 'yon? Ipagpapalit mo rin lang ako sa isa pang hindi kayang pumantay sa tulad ko! How

dare you!"

Sandaling nasorpresa si Diana sa mga narinig. Nang makabawi, tumaas-baba ang dibdib niya sa

pinipigilang galit. Nagsisimula na silang makaagaw ng atensiyon mula sa mga kumakain dahil sa lakas

ng boses ni Kurt. Hindi niya pinansin ang panlalaki ng mga mata ni Laurice sa pagkagulat. Wala siyang

anumang inaamin rito tungkol kay Alexis.

Tumayo si Diana at hinarap si Kurt. "No, how dare you!" sagot niya sa mariing boses. Napakarami niya

nang naririnig na panghuhusga kay Alexis. At sa pagkakataong ito, napapagod na siyang manahimik.

"How dare you talk as if I cheated on you? Kurt, you and I had never been an item. Nanliligaw ka lang.

Wala kang karapatang magsalita na para bang pagmamay-ari mo na ako. Dahil sa pagkakaalam ko,

binasted na kita. Too bad, mukhang magkaiba ang alam mo sa alam ko."

Umawang ang bibig ni Kurt sa pagkabigla.

"Thank you for saying those words to me, though. That just goes to show that I made the right choice

by saying no to you." Hindi kailanman naging bastos si Diana sa kanyang kapwa. Hangga't maari,

sinisikap niyang unawain na lang ang sitwasyon kaysa ang makapanakit ng damdamin ng iba. Pero

minsan, kailangan niya ring basagin ang katahimikan at manindigan. Walang kinalaman si Alexis sa

problema nila ni Kurt pero nadadamay ang lalaki ngayon dahil sa mga pambibintang nito.

"One more thing, wala kaming relasyon ni Alexis. But I would rather be with him than be with you. At

least, he's not a hypocrite." Isinukbit na ni Diana ang bag sa kanyang balikat pagkatapos ay nilagpasan

na si Kurt. Nawalan na siya ng ganang kumain. Pero natigilan siya sa paglabas nang makita niya si

Alexis na nakasandal sa pinto ng canteen. At sa anyo nito ay walang dudang narinig nito ang palitan

nila ng mga salita ni Kurt.

Dalawang linggo na rin ang matuling lumipas mula nang layasan siya ni Alexis sa field. Hindi niya na

ito nababalitaang napapasabak sa gulo, naglalasing, o kung ano pa man. Araw-araw, tuwing

pumapasok ito ay palihim niya itong tinatanaw. Ito na ang mag-isang tumatambay sa field ngayon

tuwing hapon. Nakasanayan niya nang tahimik na pinagmamasdan ito roon bago siya dumederetso sa

parking lot para umuwi.

Gusto niyang mag-reach out kay Alexis pero hindi niya alam kung paano. Dahil para bang mas naging

unreachable ang binata noon kaysa dati. Pakiramdam niya, kumapal na nang kumapal ang maskarang

isinusuot nito. Wala na itong babaeng kasa-kasama pero mas naging tahimik ito na para bang

nakulong na ito sa sariling mundo.

Naiilang na natutop ni Diana ang noo. "I was just-"

Hindi niya na natuloy ang mga sasabihin nang bigla na lang siyang hilahin ni Alexis sa kamay

pagkatapos ay ipinaloob sa mapagpalang mga braso nito. Hindi kaila sa kanya ang malalakas na

pagsinghap ng mga nakapaligid sa kanila. Gaya nang dati, muling bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Are you aware that you just defended me in front of everyone here?" Bulong ni Alexis na para bang

wala itong pakialam sa dami ng mga matang nakatutok sa kanila nang mga sandaling iyon. "Hindi ka

ba natatakot? Itinaya mo ang maganda mong reputasyon para lang ipagtanggol ako."

"Para kasing wala ka namang balak na ipagtanggol ang sarili mo-"

"Kaya ikaw na lang ang gumawa, gano'n ba?" Hindi alam ni Diana kung guni-guni niya lang o bumakas

talaga ang amusement sa boses ng binata. "Pero tama naman kasi sila. Tarantado naman talaga ako."

"Alexis-"

"Sshh." Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata. "Thank you, Diana."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.