Arrange To You (Tagalog)

Chapter 1.2



"Ay ma'am, nasaan na po kayo? Kanina pa po kami naghihintay rito." "Pasensya na, I still have some errands to do. Papunta na po ako diyan."

Isinukbit ko sa balikat ang backpack at nagmamadaling lumabas ng bahay. Naglakad ako papunta sa bukana ng village hanggang sa makarating sa labas. Pumara agad ako ng taxi at agad sumakay. Naghihintay na ang mga minessage ko sa terminal upang ihatid ako sa destinasyon. Ilang minuto ang lumipas ay kaagad akong nakarating.

"I'm already here," Kausap ko si Diego sa cellphone.

They are open for booking to drive you in a place you want to go. Hindi naman sila mahirap kontakin at maganda ang services nila.

"Nandito po kami sa may market place, ma'am. Iwawagayway ko po 'tong puting panyo ko para madali mo kaming mahanap." "Sige."

Lumilinga pa ako habang hinahanap ang mga maghahatid sa akin. Maraming tao sa paligid kaya nahirapan ako ng kunti sa paghahanap kay Diego. To add to that, lots of vendors and horns from the bus can be heard everywhere. After minutes of looking for him, and there I saw Diego with his companion. Kinakaway nito ang puting panyo para madali ko siyang makita.

"Good morning ma'am! Kami na po yung magdala ng mga gamit niyo ma'am."

Isa-isang kinuha ang mga gamit ko at iginiya ako papasok sa sasakyan.

"Hi ma'am! ako nga pala si Sasha, Ganda for short." Isang morenang dalaga ang lumapit sa akin at kinuha ang gamit niya.

Nginitian ko siya at nagpakilala na rin, "I'm Celestia, nice to meet you."

"Naku ma'am ang ganda ng pangalan niyo, parang pang fairytale. Eh 'tong si Sasha may nalalaman pang 'Ganda' eh wala naman akong nakikita."

"Hoy Buboy! Wala akong ginagawa sayo ah. Ikaw nga feeling gwapo eh kamukha mo naman yung unggoy."

Mahina akong natawa ng binatukan ni Sasha si Buboy at piningot ang tainga nito.

"Kayo, tumahimik nga kayo at nakakahiya kay ma'am. Bawasan niyo ang pagiging assuming niyo at masama yan sa kalusugan," saway ni Diego sa mga kasamahan.

"Ayos lang, nakakatuwa nga sila eh," nangingiti kong tugon kay Diego na nagmina-obera ng sasakyan.

Maya't maya ay nagsimula na rin kaming bumyahe. Open ang likod ng sasakyan kaya malaya akong nakakagalaw. Maganda rin sa balat ang haplos ng hangin at naaliw kong pinagmamasdan ang paligid. "Sasha, alam mo ba kung bakit kumikinang ang mga bituin?" panimulang tanong ni Buboy kay Sasha na abala rin sa pagtanaw sa paligid.

"Hindi. Bakit nga ba?" kyuryuso 'ring tanong ni Sasha kay Buboy.

"Ewan ko, hindi ko rin alam eh. Basta ang alam ko lang naging tao yung pinya kaya nagkaroon ng Alamat ng Pinya."

Kinuha ni Sasha ang maliit na karton at hinampas sa likod ni Buboy. Natawa rin ako sa sinabi ni Buboy. I'm really fond of watching this two. Nakakatuwa.

"Puro ka talaga kalokohan!" Hindi naman umilag si Buboy at hinayaan lang si Sasha na hampasin siya.

"Sorry naman! Eh hindi ko talaga alam kung bakit kumikinang yung stars, pero may isa akong nalalaman." May demonyong ngiti ang sumupil sa labi ni Buboy.

"Ano na naman yan?!" maarteng tugon ni Sasha.

"Ang alam ko lang kasi, kumikinang yung mata ko kapag nakikita kita yieee," tinutudyo pa nito ang tagiliran ni Sasha na pinipigilan pa ang ngumiti.

Hindi ko na rin mapigilan na matawa. Naalala ko tuloy ang mga kaklase ko noon kapag nagtutudyo sila sa kapwa kaklase ko. They really love to paired the boys to their crushes.

"Ewan ko sa'yo, Buboy! Kung ano-ano nalang pumapasok sa utak mo. Puro ka kalokohan."

"Sasha naman, seryoso kaya ako sa'yo. Ikaw lang yung pinapasok sa utak ko... at pati na rin sa puso ko yieee. Luh si Sasha kinikilig! uyy kinikilig."

"Alam mo, ang bata-bata mo pa pero ang landi-landi mo na! Tigil-tigilan mo ako Buboy at baka pasakan kita ng durog na sili sa bunganga mo," naparolyo ng mata si Sasha at bahagya pang lumayo kay Buboy. Oh, these witty kids.

"O tama na yan," aniya ni Diego at bumaling sa'kin. "Ma'am malayo-layo pa kasi ang byahe natin kaya bumili na muna kayo ng gusto niyong pagkain sa convenience store."

Huminto kami sa kalapit na gas station at sinamahan ako ng dalawa papasok sa convenience store.

"Alam mo Buboy, gusto ko paglaki ko, makakapag may-ari ako ng ganito. Yung malinis at maganda tignan sa paningin." I was busy finding something to eat when I overheard their conversation.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Sasha. I was once like her too. A dream girl who wants to aim for her goal. The girl's innocence and sincerity are only the motive.

It's so much different now. So much different that I find myself mending those broken pieces that I'm not the one who's responsible.

"E'di mag-aral ka ng mabuti. Gusto ko 'ring maging businessman. Pagtungtong ko ng College ay gusto ko sa Maynila mag-aral dahil maraming oportunidad roon. Tapos maghahanap ako ng trabaho at makakapunta na ako sa lugar na gusto ko."

Nakita kong umakbay si Buboy kay Sasha habang abala sila sa pagtingin sa lugar. Nilapitan ko sila at itinuro ang mga stalls.

"Kuha na kayo ng gusto niyo at bilhan niyo na rin si kuya Diego niyo at nang may makain kayo sa byahe natin."

"Talaga po ma'am Celestia? Kahit ano pong gusto namin?" nagningning naman ang mga mata ni Sasha sa sinabi ko. "Yup, kahit ano."

Naghahabulan naman ang mga itong namili ng mga pagkain at kaagad na nilagay sa counter. Masaya ako dahil kahit papaano'y napasaya ko sila.

I have no siblings and seeing Buboy at Sasha made me feel like an elder sister.

"Salamat po ma'am Celestia! Ang sasarap po ng mga 'to," lumubo pa ang pisngi ni Sasha dahil sa kinakaing siopao. Gusto ko tuloy na kurutin ang pisngi nito dahil roon.

"Huwag na ang ma'am. Ate Celestia nalang."noveldrama

"Sige po. May tanong ako ate."

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Ano 'yun?"

"Sa Maynila po ba, maraming mga malalaking paaralan?" "Hmm oo, malaki ang mga paaralan roon," tumango ako.

Kumikinang ang mga mata ni Sasha ng marinig ang sinabi ko.

"Talaga? Gusto ko kasing mag-aral roon kasi kapag daw makakuha ng iskolarship ay may sariling kwarto at libreng pagkain. Eh ang liit lang ng bahay namin eh tsaka ayokong nahihirapan si tatay."

May kirot na bumalatay sa puso ko ng marinig iyon. Sasha is young but the way she speaks, she sounds more older and mature. Iniisip kaagad nito ang kapakanan ng iba bago ang sarili.

"Talaga? mabuti 'yun. Marami kang makukuha na opportunity kapag sa Maynila ka mag-aral. Mag-focus ka muna sa pag-aaral mo ngayon at pagbutihin mo." As much I want to help Sasha and Buboy, hindi ko pa magagawa yun dahil walang- wala rin ako.

I don't know if I could find a job easily not knowing what would be waiting ahead for me. Nakatapos naman ako ng pag-aaral at malalaki ang grades ko.

But I think this is not the kind of job that I wanted to have. I want to meet new people and smile at them. Kahit mag-trabaho lang sa isang bakery shop ay okay na okay na sakin yun. My income in the company is good, that it could provide my necessities for the whole year. But I want to experience other things aside from that.

Na hindi ko nagawa noon, dahil kapag anak mayaman ka, you need to be prim and proper in front of them To show them that you're good and no room for errors.

"Oo nga ate eh, gusto ko na talagang makapagtapos ng pag-aaral para matulungan sila."

I smiled.

I'm hoping that they could reach the dreams that they wanted to have.

Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa probinsya na kaming bahagi. The fresh breeze that enveloped our body is just so good.

Hinawakan ko ang buhok ko dahil nililipad na rin iyon ng hangin. Under the shining moonlight, we just talked all night and laugh about Buboy's jokes.

As if the time just stopped and I can feel the lightness that was given to me. Napakagaan sa pakiramdam. It's something that I looked forward to for the rest of my life. And somehow, I feel happy and free.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.